Sue Ramirez, pinagtanggol ng bf na si Javi Benitez laban sa malisyosong akusasyon

Sue Ramirez, pinagtanggol ng bf na si Javi Benitez laban sa malisyosong akusasyon

- Isa si Sue Ramirez sa idinadawit ng ilang netizens na umano'y tinutukoy sa isang blind item

- Ilan sa mga netizens ang inakusahan siyang buntis umano sa aktor na si Ian Veneracion

- Nag-ugat ang ganitong isyu nang maglabasan ang blind item tungkol sa isang aktres na umano ay nabuntis ng isang aktor

- Hindi naman ito pinalampas ng boyfriend ni Sue na si Javi Benitez at sinupalpal ang basher

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng ipinupukol na mga isyu sa kanya, hindi pinapansin ni Sue Ramirez ang mga malisyosong alegasyon na siya umano ang tinutukoy sa isang blind item na aktres na nabuntis ng isang aktor.

Sa kanyang Instagram post, isang netizen ang nagtanong kung kumusta umano ang secret relationship nila ng kanyang katrabahong si Ian Veneracion.

Sue Ramirez, pinagtanggol ng bf na si Javi Benitez laban sa mga basher
Photo from Javi Benitez (@javibenitezzz)
Source: Instagram

Hindi ito pinalampas ng boyfriend ni Sue na si Javi Benitez at sinagot ang netizen na hindi starlet si Sue at mali ang kanilang hula tungkol sa blind item kaya dapat daw ay itigil na nila ang pang-iintriga.

Read also

Jessy Mendiola, ibinahagi ang prenup music video nila ni Luis Manzano

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sue Ramirez, pinagtanggol ng bf na si Javi Benitez laban sa mga basher
Screenshot from @sueannadoodles
Source: Instagram

Maliban kay Sue, dinadawit din ang pangalan nina Dingdong Dantes at Lindsay de Vera na nauna nang pinabulaanan ng isang showbiz magazine. Maging si Lolit Solis ay ilalaban umano na hindi totoo ang ibinibintang kay Dingdong.

Isa pang iniuugnay sa blind item ay sina Mocha Uson at Robin Padilla. Nauna na ring pinabulaanan ni Mariel ang haka-haka at sana daw ay itigil na ang pang-iintriga kay Robin lalo at nagdadalamhati pa ito sa pagpanaw ng kapatid na si Royette.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sue ay naging bahagi ng ilang ABS-CBN shows kagaya ng Mula Sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, All of Me, Pangako Sa'yo, at Dolce Amore.

Read also

Lolit Solis, ilalaban na hindi totoo ang bintang kay Dingdong Dantes

Naging usap-usapan ang paghihiwalay nila noon ni Joao Constancia. Ibinahagi naman ni Joao ang kanyang saloobin hinggil sa paghihiwalay nila ni Sue.

Emosyonal namang inamin ni Sue ang tungkol sa hiwalayan nila ng Boy Band Ph member na si Joao.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel