Jessy Mendiola, ibinahagi ang prenup music video nila ni Luis Manzano

Jessy Mendiola, ibinahagi ang prenup music video nila ni Luis Manzano

- Ibinahagi nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang prenup music video na kinunan sa Amanpulo kamakailan

- Tumagal ng mahigit tatlong minuto ang nasabing music video na gamit ang awiting Baby I Love Your Way bilang background music

- Bumuhos ang pagbati para sa dalawa matapos nilang ibahagi ang nasabing music video na umani din ng papuri

- Matatandaang isinapubliko ng magkasintahan ang tungkol sa kanilang engagement noong Disyembre ng nakaraang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang prenup music video na agad umani ng papuri mula sa mga netizens.

Isinapubliko nila ang kanilang prenup shoot noong Disyembre noong nakaraang taon na talaga naman pinag-usapan matapos umalma ang nagpakilalang designer ng engagement ring na ibinigay ni Luis kay Jessy.

Matapos ang pagkuwestiyon ng mga netizens kung bakit tila napaghandaan nila ang engagement, nilinaw ni Jessy at Luis na prenup shoot na iyon at Oktubre pa naganap ang pagpropose ni Luis.

Read also

Rocco Nacino, nakatikim ng "spike" mula sa asawang libero na si Melissa Gohing

Jessy Mendiola, ibinahagi ang prenup music video nila ni Luis Manzano
Photo from Jessy Mendiola (@senorita_jessy)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang nagandahan sa mahigit tatlong minutong music video na may tugtog na Baby I Love Your Way bilang background music.

Wow very beautiful, bagay n bagay sa personality nyong dlawa since you both love beach. For me ito ang the best na pre nup na video, beautiful place at every scene you feel the love binding the two of you, nakaka inlove, masarap ma in love .
Bob Nicolas nailed it! One of the best if not the bestest prenuptial video I’ve ever seen ! The beach, the sunset, the waves crashing , the music and the beautiful couple in this video all sync in & unite to make this sooo perfect. God Bless Howhows . We all can’t wait for that big special day

Read also

Marian Rivera, napa-throwback sa gitna ng isyung ipinupukol sa asawa

Ito na ata pinaka magandang prenup video na nakita ko infairness!!

Maging ang malapit na kaibigan ni Luis na si Alex ay pinuri ang inilabas nilang music video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Matapos isapubliko nina Luis at Jessy ang tungkol sa kanilang engagement, agad itong naging usap-usapan dahil sa mga espikulasyon at reaksiyon ng mga netizens. Kaya naman sa isang panayam ay nilinaw ng dalawa na Oktubre pa naganap ang proposal ni Luis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel