Marian Rivera, napa-throwback sa gitna ng isyung ipinupukol sa asawa

Marian Rivera, napa-throwback sa gitna ng isyung ipinupukol sa asawa

- Naging maugong ang usap-usapan tungkol sa isang blind item tungkol sa aktres na umano'y nabuntis ng isang aktor kamakailan

- Ito ay matapos ibahagi ng blogger na si Andrew Olivar ang ilang blind item at kamakailan ay picture nina Dingdong Dantes at aktres na si Lindsay De Vera

- Si Lindsay ay co-star ni Dingdong sa kanyang teleseryeng "Alyas Robinhood" na umere noong taong 2017

- Gayunpaman, sa kasalukuyan ay burado na ang mga post ni Olivar na umano ay naging ugat ng usap-usapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na pinag-aksayahan ng panahon ni Marian Rivera na sagutin ang mga kumakalat na malisyosong balita na umano'y nakabuntis ng isang aktres ang asawang si Dingdong Dantes.

Sa halip na magsalita tungkol dito, ibinahagi ng aktres ang mga litratong nagpapakita na hindi sila apektado sa mga lumalabas na mapanirang balita.

Read also

Sue Ramirez, pinagtanggol ng bf na si Javi Benitez laban sa malisyosong akusasyon

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ng aktres ang litrato nilang mag-asawa na kapwa nakangiti.

Marian Rivera, napa-throwback sa gitna ng isyung ipinupukol sa asawa
Photo from Marian Rivera
Source: Facebook

Matatandaang nag-ugat ang usap-usapan nang may lumabas na blind item mula sa isang online showbiz news magazine tungkol sa pagkakabuntis ng aktor sa isang aktres.

Gayunpaman, nilinaw umano ng nasabing online magazine na hindi si Dingdong ang tinutukoy sa blind item.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasunod nito ay marami ang nakapansin sa mga post ng blogger na si Andrew Olivar tungkol sa kanyang blind item tungkol sa isang aktor na kanyang pinangalanan bilang “doorbell”.

Kasunod nito ay binahagi niya rin ang litrato ng aktor at ni Lindsay de Vera na co-star ni Dingdong sa kanyang teleseryeng Alyas Robinhood na umere noong taong 2017.

Gayunpaman, burado na ang nasabing mga post ng blogger.

Read also

Lolit Solis, ilalaban na hindi totoo ang bintang kay Dingdong Dantes

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar”

Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Ipinanganak niya ang panganay na anak nilang si Zia noong November 23, 2015.

Noong Disyembre ng nakaraang taon ay pinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang ika-6 na wedding anniversary.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel