Tumatayong 2nd mom ni Dacera, idinetalye ang huli nilang napag-usapan

Tumatayong 2nd mom ni Dacera, idinetalye ang huli nilang napag-usapan

- Isinalaysay ng tumatayong guardian ni Christine Dacera na si Dr. Marichie Ramos ang isa sa mga huling napag-usapan nila ng flight attendant

- Bago mag-Pasko, naikwento umano ni Dacera ang balak ng kanyang mga kaibigan na nag-iimpluwensya sa kanya na sumubok ng ipinagbabawal na gamot

- Natatandaan niya na pinangaralan pa umano niya si Dacera ukol dito

- Maging ang anak ng doktora na malapit ding kaibigan ni Dacera ay pinayuhan itong lumayo na sa sinasabing grupo ng mga kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humarap na rin sa media ang tumatayong ikalawang ina ni Christine Dacera na si Dr. Marichie Ramos.

Nalaman ng KAMI na si Ramos ay ina ni Andrei na kasintahan ng malapit na kaibigan ni Dana Rose Socaoco.

Isa sa mga naisalaysay ng doktora ang napag-usapan umano nila ni Dacera noong Disyembre 22.

Read also

Camille Prats hindi makapaniwala na may teenager na siyang anak

Tumatayong 2nd mom ni Dacera, idinetalye ang huli nilang napag-usapan
Photo from Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“December 22, she actually told my son that the group of Rommel Galido is trying to make her take drúgs," pahayag ni Ramos

"And right away my son told her, ‘If they’re trying to make you take drúgs, then they’re not your friends. A friend wouldn’t want to invite another friend to take drúgs, that’s not a friend," dagdag pa nito.

Doon pa lang, sinabihan na rin ni Andrei na layuan na sana ni Christine ang grupo na nakasama pa nito sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Boy Abunda kina Dr. Marichie Ramos kasama na rin ang mismong ina ni Dacera na si Sharon Dacera at ilang abogadong tumatayo sa kaso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Manilyn Reynes, ibinahagi ang nakakakilig na mensahe ng asawa

Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang walang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera sa bath tub ng City Garden Grand Hotel.

Kasama ni Christine na sumalubong sa Bagong Taon ang grupo na kinabibilangan nina Rommel Galido, JP Dela Serna, Clark Rapinan, Gregorio De Guzman at Valentine Rosales na pawang mga akusado sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant.

Nito lamang nakaraang linggo, inilabas ng lima ang resulta ng isinagawang drúg test sa kanila na pawang negatibo. Lumalabas na taliwas ito sa umano'y pahayag ni Ramos kaugnay sa huling naging usapan nila ni Dacera patungkol sa mga kaibigan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel