Camille Prats hindi makapaniwala na may teenager na siyang anak

Camille Prats hindi makapaniwala na may teenager na siyang anak

- Nitong ika-24 ng Enero ay nagdiwang ang panganay ni Camille Prats na si Nathan ng kanyang ika-13 na kaarawan

- Hindi makapaniwala ang aktres na mayroon na siyang binatilyong anak ngayon

- Nag-post sa social media ang aktres ng isang mensahe para sa panganay na anak

- Nagpahayag din ng pagbati ang asawa ni Camille na si VJ Yambao na siyang tumatayong ama ni Nathan ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi makapaniwala si Camille Prats na 13-anyos na ang kanyang panganay na anak na si Nathan sa una niyang asawa.

Camille Prats hindi makapaniwala na may teenager na anak na siya

Camille Prats (Photo credit: @camilleprats)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post noon ika-24 ng Enero ay binati niya ang kanyang anak sa ika-13 na kaarawan nito. Sinimulan niya ito sa pagpapahayag ng pagkagulat na mayroon na pala siyang teenager.

"Whaaaat?!?! 13?!?! Noooo!!! My heart is still not ready to admit you're 13!!"
Manilyn Reynes, ibinahagi ang nakakakilig na mensahe ng asawa
"Happy happy birthday my love!! Wow, it has been 13 years since the day I received such a beautiful gift.”

Hindi masyadong mahaba ang mensahe ng aktres, pero sinabi niya rito kung gaano sila ka-proud sa binatilyo.

“I loooove you! We are soooo proud of you kuya. Keep being you and keep being awesome!
“I know I know.. no cheesy messages coz you're binata naaaa. I love you with all my heart my sweet boy." sabi ni Camille.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pati ang stepdad ni Nathan, ang pangalawang asawa ni Camille na si VJ Yambao, ay nag-post din ng pagbati para sa kanya. Sa picture na inupload nito ay makikitang magkakasama sina VJ, Nathan, at ang anak ni VJ na si Ice.

"Happy birthday to this boy!! @nathanielcaesar24
"We love you always kuya." Sabi sa caption ni VJ.
Tumatayong 2nd mom ni Dacera, idinetalye ang huli nilang napag-usapan

Si Nathan, o Nathaniel Caesar, ay anak ni Camille sa namayapa nitong asawa na si Anthony Linsangan. 26 taong-gulang palang si Camille ng binawian ng buhay ang asawa dahil sa cancer. Samantalang tatlong taon pa lamang noon si Nathan.

Mabuti nalang at nakapag-asawa ulit si Camille ng isang lalaki na itinuturing si Nathan na parang kanyang anak na rin. Kahit si Camille ay tanggap rin ang anak ni VJ mula sa una nitong relasyon. Biniyayaan naman ang mag-asawa ng dalawang anak pa, sina Nala at Nolan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Camille Prats ay isang Filipina actress at TV host. Nagsimula siya bilang isang sikat na child star at nakilala siya sa kanyang pagganap sa “Sarah..Ang Munting Prinsesa”. Ngayon ay isa siya sa mga hosts ng talk show na “Mars Pa More”.

Valentine Rosales, binansagang 'top 5' silang mga akusado sa Christine Dacera case

Ilang buwan ang nakakaraan ay ibinahagi ng “Eat Bulaga” ang video ng pagsali ni Camille sa “Little Miss Philippines” noon na siyang naging simula ng kanyang paglabas sa telebisyon. At noong isang taon naman ay ipinasilip ng aktres ang bagong bahay na ipinapagawa nila.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel