Nag-viral na batang may 2 followers sa YT, may mahigit 200,000 subcribers na
- Umabot na sa mahigit 220,000 ang mga subscribers ng YouTuber na si Mary Grace Escober
- Matatandaang siya ang batang nag-viral matapos na ipagdiwang ang pagkakaroon niya ng dalawang subscriber sa YouTube noong Oktubre
- Natuwa ang mga netizens kay Mary Grace kaya matapos na mag-viral ang kanyang post, pumalo ng agad ng 100,000 ang kanyang mga subscribers
- At makalipas nga lamang ng tatlong buwan ay nadoble na muli ang bilang ng kanyang mga tagasubaybay sa YouTube
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Yumabong na ang YouTube career ng siyam na taong gulang na batang si Mary Grace Escober na umabot na ng mahigit 200,000 ang mga subscribers sa kanyang channel.
Maalalang si Mary Grace ang batang nag-viral matapos na ipagdiwang ang pagkakaroon niya ng dalawang subscribers sa YouTube noong Oktubre 13.
Nalaman ng KAMI na ilang oras lamang mula nang mag-viral ang kanyang post, umabot na sa 100,000 ang kanyang mga subscribers.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nag-post lamang noon si Mary Grace ng kanyang larawan kung saan mayroon siyang pagkain mula sa McDonald's upang ipagdiwang ang dalawang subscribers niya. May caption ang kanyang viral post ng "Happy 2 subscriber."
Ngayon, makalipas ang nasa tatlong buwan, 228,000 na ang kanyang subscribers sa kanyang channel na 'Mary Grace Escober.'
Hunyo ng 2020 nang magsimulang mag-vlog si Mary Grace. At ngayon, patuloy siyang nakilala at nakapagbibigay inspirasyon sa mga batang tulad niya na minsan lamang nangarap na maging isang ganap na vlogger o content creator.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, labis naman nadurog ang puso ng kilalang vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.
Ibinahagi kasi ni Basel kung paano siya naloko umano ng kanyang itinuring na 'Abeoji' o ama sa Korean na si Mr. Chang. Maaalalang si Mr. Chang ang nag-viral na Korean na naglalako ng noodles sa gilid ng kalsada.
Isa kasing vlogger din na may pangalang 'Bobby' ang bumibisita kay Mr. Chang at pinalalabas umano nitong hindi raw bukal sa puso ang pagtulong ni Basel sa Korean.
Naglabas ng ebidensya si Basel kung saan ang ilan sa mga ito ay ayaw na sana niyang isa-publiko dahil sa iyon ay pawang mga karagdagang tulong na lamang niya kay Mr. Chang.
Sa kabila ng nangyari, nagpaalala naman si Basel na huwag i-bash si Mr. Chang at maging ang vlogger na si 'Bobby' na sinasabing pinagmulan ng di nila pagkakaunawaan ng kanyang dating itinuring na Abeoji.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh