Pamilya sa CamSur na ilang beses binagyo, may bagong bahay na mula sa Unang Hirit

Pamilya sa CamSur na ilang beses binagyo, may bagong bahay na mula sa Unang Hirit

- Nabiyayaan ng bagong bahay ang pamilya ng isang construction worker mula sa Camarines Sur

- Umaabot daw talaga ng hanggang baywang ang tubig sa kanilang lugar tuwing bumabaha

- At nang manalasa ang Bagyong Rolly at Ulysses, nasira ang pader at bubong ng kanilang bahay bagay na kanyang ikinabahala lalo na at maliliit pa ang kanyang mga anak

- Bukod sa bagong bahay, mayroon pang mga gamit ng baby at tulong pinansyal na ibinigay sa kanila ang programa ng GMA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masuwerteng nabiyayaan ng bagong bahay ang pamilya ng construction worker na si Arjay Canlas Ruben mula sa Unang Hirit.

Nalaman ng KAMI na mula sa nasa 10,000 na nagsumite ng kanilang kwento ng buhay kung bakit nais nilang magkaroon ng bahay mula sa programa ng GMA, si Arjay ang napili.

Read also

Vlogger na si Toni Fowler, kinumpirmang single na siya

Sinadya mismo ng segment anchor na si Love Añuver ang lugar nina Arjay sa Camarines Sur upang makita ang kalagayan nito.

Pamilya sa CamSur na ilang beses binagyo, may bagong bahay na mula sa Unang Hirit
Photo from Unang Hirit
Source: Facebook

At kahit mahigit isang buwan na ang nakalipas, makikitang hindi pa talaga tuluyang nakababangon sa ilang bagyong dumaan ang lugar.

Ipinakita rin ni Arjay ang bahay na ginawa na lamang niya mula sa mga napupulot na materyales para lamang may matuluyan ang kanyang mag-iina lalo na at maliliit pa ang kanilang mga anak.

Talagang naluha pa ang kanyang asawa nang matanong ni Love kung ano ang kalagayan nila tuwing bumabagyo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At dahil sa halos tagpi-tagpi lamang talaga ang kanilang tahanan, nakararanas pa rin sila ng pagtulo sa bubong tuwing umuulan.

Kaya naman masaya ang mga host ng Unang Hirit na igawad kina Arjay ang bahay mula sa Lumina Homes.

Bukod dito, nakatanggap din ng biyaya ang mga anak nina Arjay at tulong pinansyal halagang P50,000 upang makapamili rin sila ng mga gamit sa kanilang bagong bahay.

Read also

Vice Ganda, pinakita ang nakakaintrigang walk-in closet sa ikalawang bahagi ng house tour

At dahil construction worker si Arjay, binigyan din siya ng mga tools na maari niyang magamit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maaalalang ang mga Bagyong Rolly at Bagyong Ulysses ang dalawang magkasunod na bagyo na labis na nagdala matinding pagbaha sa iba't ibang bahagi ng Luzon.

Dahil dito, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng tirahan dahil sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa.

Ngayong taong 2021, umaasa ang marami na makabangon na ang ating bansa sa mga trahedyang nanalasa sa atin noong nakaraang taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica