Bagong panganak na ginang, patay sa pamamaril ng dating kinakasama
- Patay ang isang 39-anyos na ginang sa Mangaldan, Pangasinan matapos itong pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang bakuran
- Kinilala ang suspek na si Romer Gonzales, isang retired US Navy at dating kinakasama ng biktima
- Ayon sa paunang imbestigasyon, tinitignan ang anggulo ng agawan sa kustodiya ng kanilang anak ang motibo sa krimen
- Batay din sa ulat, napag-alamang nakipaghiwalay ang biktima na kapapanganak lamang sa suspek matapos mahuling may iba itong babae
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Patay ang isang 39-anyos na babae sa Mangaldan sa Pangasinan matapos itong pagbabarilin ng isang lalaking sakay ng isang motorsiklo kasama ang isa pa.
Ang biktimang si Maria Teresa Ambas, napag-alamang dalawang linggo pa lamang na nakapanganak.
Ang suspek naman ay kinilalang si Romer Gonzales, isang retired US Navy. Ayon sa report, dati itong kinakasama ng biktima at siya ring ama ng anak ni Ambas.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Batay pa sa report ng DZRH News Television, pinagbabaril ang biktima sa loob mismo ng kanyang bakuran sa nasabing probinsiya ayon sa pahayag ng tatlong testigo.
Sinabi rin ng mga ito na malapitang pinagbabaril ni Gonzales si Ambas at mabilis na tumakas.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, tinitignan ang anggulo ng agawan sa kustodiya ng kanilang anak ang motibo sa krimen.
Napag-alamang nakipaghiwalay ang biktima sa suspek matapos mahuling may ibang babae ang lalaki.
Agad namang nahuli ang suspek na natunton din sa tirahan ng bago nitong kinakasama.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan lang nang magimbal ang bansa sa brutal na pagpatay sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio sa Tarlac sangkot ang isang pulis.
Ngayong araw, sinabing sinibak na sa serbisyo ang pulis na si Police Master Sergeant Jonel Nuezca, ayon mismo kay Philippine National Police Chief Gen. Debold Sinas.
Naging usap-usapan din ang pagkamatay ng isang construction worker matapos umanong mapagkamalang holdaper.
Please always like and share all of our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading about your thoughts and views on different matters! Thank you for all of your support!
Source: KAMI.com.gh