Solenn Heussaff, masayang-masaya sa pagbabago sa kanyang bahay

Solenn Heussaff, masayang-masaya sa pagbabago sa kanyang bahay

- Muling ipinakita ni Solenn Heussaff ang bagong ayos ng kanilang bahay matapos itong sumailalim sa tinatawag na home fluffing

- Ang home fluffing ay ang tawag sa pagbabago sa ayos ng bahay sa paraang hindi gaano karami ang pinapagawa

- Naging emosyonal ang aktres nang una niyang makita ang pagbabagong ginawa sa kanilang bahay

- Matatandaang nauna nang ibinahagi ni Solenn ang isang house tour noong iba pa ang ayos ng kanilang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Solenn Heussaff nang una niyang makita ang kinalabasan ng ginawang home fluffing sa kanilang bahay.

Ayon sa kanya, ang home fluffing ay ang pagbabago ng interiors ng isang bahay. Kabilang sa binago sa kanilang bahay ay ang kurtina, mga wallpaper, ilaw at maging ang ayos ng ilang mga gamit nila.

Solenn Heussaff, masayang-masaya sa pagbabago sa kanyang bahay
Photo from Solenn Heussaff (@solenn)
Source: Instagram

Kwento pa ni Solenn, tatlong araw lang inabot ang make-over ngunit masaya siya sa kinalabasan. Habang ginagawa ang make-over, sinubukan niya umanong silipin ang proseso sa pamamagitan ng mga CCTV camera na nakakabit sa iba't-ibang bahagi ng kanilang bahay.

Read also

Heart Evangelista at Chiz Escudero, muling kinaaliwan sa kanilang Adulting vlog

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, hindi ito umobra sa asawa niya dahil tinanggal niya umano sa pagkakasaksak ang mga camera.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang ilang mga gamit na ginamit para sa make-over ng kanilang bahay ay mga gamit na dati nang pagmamay-ari ni Solenn.

Matatandaang nauna nang ibinahagi ni Solenn ang isang house tour noong iba pa ang ayos ng kanilang bahay.

Si Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico ay isang Filipina-French VJ, actress, TV host, model, singer, fashion designer, painter, and professional make-up artist. Ikinasal siya sa asawang si Nico Bolzico na isang Argentinean Business Executive mula sa Esperanza, Santa Fe, Argentina. Siya ang founder ng LM10 at Siembra Directa Corp. Kapatid siya ng asawa ni Anne Curtis na si Erwann Heussaff.

Read also

It's Showtime hosts, nakigulo sa bagong bahay ni Vice Ganda

Kamakailan ay ibinahagi ni Nico ang nakakaaliw na video ng anak nilang si Thylane habang umaakyat sa kanilang sofa.

Kinagiliwan din ng mga netizens ang video ng mag-inang Solenn at Thylane na sumasayaw nang magkasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel