Taxi driver, dinala sa pulis ang pasaherong ayaw magsuot ng face mask
- Imbis na ihatid sa destinasyon, sa presinto dinala ng taxi driver ang pasahero niyang ayaw magsuot ng face mask
- Napag-alamang nakainom ang pasahero na nagawa pa umanong sipain ang taxi nang magwala ito
- Gumawa pa ito ng eksena sa mga pulis nang hindi ito agad na bumaba sa taxi dahilan para sapilitan na siyang pababain
- Dahil sa nangyari, tinatayang nasa CA $690 o nasa P26,000 ang multa nito dahil sa ilang nalabag kaugnay ng insidente
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Buong tapang na dinala na sa pulisya ng taxi driver sa Vancouver, Canada ang naging pasahero niyang pasaway at ayaw na magsuot ng face mask.
Nalaman ng KAMI na tulad sa Pilipinas, isa sa mga safety protocol sa Canada ang pagsusuot ng face mask bilang pag-iingat sa COVID-19.
Ayon sa panulat ni Niña V. Guno ng Inquirer, nakainom umano ang pasahero nang maisakay ito ng taxi driver.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Subalit nang hindi ito nag-mask, nauwi ito sa diskusyon sa pagitan niya at ng kanyang driver.
Base sa ulat ni Jessica Lynch ng LAD Bible, imbis na ihatid sa destinasyon ang pasahero, dinala siya sa Victoria Police station ng driver.
Sa pagwawala umano kasi ng pasahero, nasipa pa nito ang taxi at nahawakan pa umano nito ang driver sa mukha.
Pagdating pa sa police station, gumawa pa muli ng eksena ang lasing na pasahero na hindi agad na bumaba sa sasakyan dahilan upang sapilitan na itong ibaba ng mga pulis.
Dahil sa nangyari, pinagmulta ito CA $690 o nasa P26,000 dahil sa di pagsusuot ng facial covering gayung nasa publikong lugar ito, abusive o belligerent behavior at failing to comply with the direction of an officer ayon sa Times.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala sa Pilipinas, isa sa mga mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask at face shield sa publikong lugar o pampublikong transportasyon sa lahat ng oras.
Kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng general community quarantine ang Metro Manila at ilang bahagi ng bansa na mayroon pa ring mataas na bilang ng COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh