Paggamit ng face shield lang, maaaring makapagkalat pa rin ng COVID-19 ayon sa pag-aaral

Paggamit ng face shield lang, maaaring makapagkalat pa rin ng COVID-19 ayon sa pag-aaral

- Isang pag-aaral ang ginawa sa Amerika ukol sa pagiging epektibo ng mga face shield at face mask na may valve

- Sabi sa pag-aaral, hindi epektibo ang face shield kapag ito lang ang susuotin laban sa COVID-19

- Samantala, maaari ring makapasok ang droplets sa valve ng face mask kapag suot ito

- Mas maigi pa rin ang paggamit ng medical mask at face shield kontra sa pagkalat ng coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang pag-aaral sa Amerika ang nagsabing maaaring makapagkalat pa rin ng coronavirus ang paggamit ng face shield lang at ng face mask na may valve.

Nalaman ng KAMI na epektibo lang ang paggamit ng face shield laban sa COVID-19 kapag sabay itong gagamitin kasama ng face mask.

Paggamit ng face shield lang, maaaring makapagkalat pa rin ng COVID-19 ayon sa pag-aaral

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi sa US Journal Physics of Fluids na bagama’t maaaring maharangan ng face shield ang mukha laban sa droplets, maaari pa ring kumalat ang droplets na may kasamang coronavirus sa visor.

“The expelled droplets can move around the visor with relative ease and spread out over a large area,” sabi sa pag-aaral sa Florida Atlantic University.

Samantala, naiulat naman ng ABS-CBN News na ang face mask na may valve ay nakadisenyo para mas makahinga ang mga tao. Subalit, maaaring makapasok naman ang mga droplets na may coronavirus sa valve lalo na kung walang filter ito.

“A large number of droplets pass through the exhale valve unfiltered, which makes it ineffective in stopping the spread of the COVID-19 virus if the person wearing the mask is infected,” sabi sa research.

Sabi naman sa ulat ng Agence France-Presse, nakalagay din sa pag-aaral na mas epektibo ang paggamit ng medical mask o high-quality cloth laban sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 226,440 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang 64,207 naman sa mga ito ay active cases.

Nauna nang inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na kailangan na ang pagsusuot ng face shield at face mask tuwing sasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Kaya naman, biglang pumatok ang bentahan ng mga face shield ngayon. Ang iba nga ay ginawa pa itong modus para kumita ng pera.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel