Dating mayoral candidate na si Ruben Feliciano patay sa pamamaril

Dating mayoral candidate na si Ruben Feliciano patay sa pamamaril

-Patay sa pamamaril si Ruben Feliciano na dating kandidato sa pagka-alkalde sa San Fernando, Cebu

-Kasama niya ang pamangkin nang maganap ang insidente sa gabi ng Bagong Taon

-Sa kabutihang palad ay nabuhay ang pamangkin ni Feliciano at maayos na ang kalagayan

-Nakatakas naman ang limang hindi pa nakikilalang mga suspek na umatake sa mga Feliciano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Namatay sa pamamaril ang pulitikong si Ruben Feliciano sa isang pananambang sa Brgy. Apas, Cebu City noong gabi ng Enero 1.

Dating mayoral candidate na si Ruben Feliciano patay sa pamamaril
Dating mayoral candidate na si Ruben Feliciano patay sa pamamaril (Photo credit: @superbalitacebu)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ay naglalakad si Feliciano at ang pamangkin nito na si Kim bandang 6:30 ng gabi malapit sa kanilang tahanan sa Blue Gardens Residences.

Bigla na lamang tinambangan ng limang hindi pa nakikilalang mga suspek ang dalawa at pinagbabaril ang mga ito.

Ayon sa mga testigo ay agad na tumakas ang mga salarin, sakay ng isang puting van na walang plate number.

Read also

2 pulis Baguio, suspek sa pagdukot na nakunan ng video at pagpaslang sa isang lalaki

Nakaligtas ang pamangkin ni Feliciano dahil sa hindi malalala ang mga natamo nitong sugat. Sa kasamaang palad ay agad na binawian ng buhay ang kontrobersiyal na pulitiko. Nang dumating ang mga opisyal ng Cebu City Emergency Services ay hindi na humihinga at wala nang pulso si Feliciano.

Sa isang interview ay sinabi ni Capt. Francis Renz Talosig ng Mabolo Police Station ay tinamaan si Feliciano sa kanang bahagi ng katawan at braso.

Isang follow-up operation ang isinigawa ng kapulisan upang matukoy ang mga salaring at malaman ang motibo sa likod ng krimen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Si Feliciano ay isa sa mga kalaban ni Mayor Lakambini Reluya sa eleksyon noong 2019. Subalit ay nabigo itong mapanalunan ang posisyon sa pagka-alkalde ng San Fernando, Cebu.

Matatandaang si Mayor Reluya ay naging biktima rin ng pananambang noong Enero ng 2019 habang binabaybay nila ang daan ng Brgy. Linao. Sa kasamaang palad ay namatay ang kanyang asawa, isang tauhan, at driver. Nakaligtas naman ang alkalde, pati ang dalawang bodyguard nito.

Read also

Pulis sa viral video, nagsisisi sa nagawang krimen ayon sa Police official

Isa sa mga itinurong may pakana sa pananambang ay si Feliciano dahil sa mga ulat ng kanyang pagbabanta. Ngunit agad niya itong itinanggi at hanggang ngayon ay hindi pa ito napapatunayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ruben Feliciano ay isang kontrobersiyal na pulitiko at negosyante sa Cebu. Kilala siya sa pagbabanta sa kanyang mga kalaban sa pulitika.

Si Feliciano ay isa lamang sa mga pulitiko na inambush nitong nakaraang mga taon. Matatandaang pinagbabaril din si Mayor Caesar Perez ng Los Baños, Laguna bago matapos ang 2020. At dalawang taon ang nakakaraan ay pinatay din si Mayor Antonio Halili ng Tanauan City, Batangas.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)