Andrea Brillantes, masayang ibinahagi ang pagkatupad ng pangarap niyang magkabahay

Andrea Brillantes, masayang ibinahagi ang pagkatupad ng pangarap niyang magkabahay

- Masayang ibinahagi ni Andrea Brillantes ang litrato ng kanyang pinapatayong bahay

- Natapos na ito at ayon sa aktres ay isa ito sa kanyang pinakamatagal at pinakamahirap na tuparing pangarap

- Ayon pa sa aktres, masaya siyang natapos na sa wakas ang kanyang pinapatayong bahay para sa kanyang pamilya

- Marami naman ang humanga sa aktres dahil sa kanyang naipundar sa edad na 17 taong gulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni Andrea Brillantes na sa wakas ay natapos na ang kanyang pinatayong bahay na kanyang inilarawan bilang pinakamatagal at pinakamahirap na tuparin sa lahat ng kanyang pinangarap.

Ibinahagi niya rin sa Instagram ang litrato ng harap na bahagi ng kanyang bagong bahay. Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang lahat ng sumuporta at naging dahilan upang makamit niya ang kanyang pangarap.

Dagdag pa ni Andrea, kahit noong mas bata pa lang siya, ang pagkakaroon ng sariling bahay ang naging inspirasyon niya para pag-igihan ang trabaho.

Read also

Bea Benedicto, ibinahagi ang dahilan ng pagkakalagas ng buhok

You were my longest ( 10 years ) and most difficult dream to come true. You have always been at the back of my mind since i was young pushing me to work harder. I’m so happy you made it this year with everything that happened, I'm soooo happy.
Andrea Brillantes, masayang ibinahagi ang pagkatupad ng pangarap niyang magkabahay
Photo from Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kaibigan at katrabaho ni Andrea sa showbiz. Kabilang sina Cassy Legazpi, Coleen Garcia, Loisa Andalio, Dimples Romana at Richard Yap sa mga bumati sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na Kadenang Ginto na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Read also

Meryll Soriano, ibinahagi ang ginawang paghahanda para sa panganganak

Isa siya sa pinakasikat na aktres sa kanyang henerasyon. Sa katunayan, siya ang nanguna sa listahan ng pinakasikat na artista sa Tiktok.

Sa edad na 17, unti-unti niyang naipatayo ang bahay para sa kanyang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel