Raffy Tulfo, nangakong tututok sa kaso ng mag-inang pinaslang ng pulis sa viral video
- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang viral video ng aktwal na pamamaslang ng isang pulis sa nakaalitang mag-ina sa Paniqui, Tarlac
- Maging si Tulfo ay tututok din umano sa pag-usad ng kaso laban sa pulis lalo na at napag-alaman pa niyang patong-patong na pala ang kasong kinaharap nito
- Lalong nagtaka si Tulfo nang malamang karamihan sa kaso ay na-dismiss dahil umano sa kakulangan ng sapat na ebidensya
- Ayon kay Atty. Garreth Tungol ng ACT-CIS, malakas ang ebidensya na hawak ng pamilya mga biktima kaya naman babala ni Tulfo, na kung ma-dismiss pa ang bagong kaso ng pulis, tiyak na magkakagulo raw ang Pilipinas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Maging si Raffy Tulfo ay nangakong tututok sa kasong isinampa laban kay Jonel Nuezca, ang pulis sa viral video na walang-awang pumaslang sa mag-inang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.
Nalaman ng KAMI na marami umanong nag-tag sa Raffy Tulfo in Action dahilan upang mabigyang pansin ito ng tinaguriang "hari ng public service."
Kinapanayam ni Tulfo ang pamilya ng biktima na sina Tasha Delos Santos at Neil Patrick Gregorio.
Doon, idinetalye ng mga kaanak ang nasaksihang pamamaslang ng pulis sa ina at kapatid.
Nabanggit din nilang tila matagal na rin silang mapapag-initan di umano ni Nuezca dahil sa natalo ito sa kasong isinampa kaugnay sa lupa at sa sinasabing "right of way" na isang rason ng pagtatalo sa viral video.
Isa rin sa napansin ni Tulfo ang listahan ng mga kasong dati nang kinaharap ni Nuezca.
Ang dalawa pa sa pinakabagong kaso nito ay grave misconduct na isinampa sa kanya noong Mayo at Disyembre ng 2019.
Na-dismiss umano ang mga nasabing kaso dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ayon kay Tulfo, doon pa lamang, makikita nang tila gawain ng pulis ang pagpatay subalit nakakalusot pa rin umano ito sa nagagwa niyang krimen.
Ayon pa kay Atty. Garreth Tungol ng ACT-CIS, mabigat at sapat na ebidensya ang video na hawak ng pamilya Gregorio kaya naman napaka-imposible na umanong ma-dismiss pa ng kasong ito.
"'Pag dinismiss niyo po itong kaso, magkakagulo ang Pilipinas. I'm telling you!" babala ni Tulfo.
"I'm giving you a warning, ang buong Pilipinas magkakagulo, kasi po dun sa dalawa na pumatay siya ng tao na-dismiss po di po ba? Tuloy tuloy pa rin ang pagsisilbi niya pati sa korte"
"I'm giving a warning sa lahat ng korte natin, witness po yung buong bayan, pag ito po ay na-dismiss, sasabihin ko pag nagkagulo, Itold you so!" dagdag pa ni Tulfo.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Tulfo sa unang bahagi ng Wanted sa Radyo ngayong Disyembre 21:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bagaman at sumuko na sa awtoridad ang suspek sa pamamaslang sa mag-ina sa Tarlac na si Jonel Nuezca, nangako si Tulfo na tutulong siya sa pamilya Gregorio na makamit nila ang hustisya.
Sa pagkakataong ito, sisiguraduhin umano ni Tulfo na mapagbabayaran ni Nuezca ang kanyang nagawang pamamaslang at hindi mahahalintulad sa dating mga na-dismiss lamang nitong kaso.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh