Awra Briguela, dinipensahan ang kaibigang si Zeinab Harake sa mga bashers

Awra Briguela, dinipensahan ang kaibigang si Zeinab Harake sa mga bashers

- Maging si Awra Briguela ay pinagtanggol ang YouTube Star na si Zeinab Harake sa kanyang mga bashers

- Sa kanyang birthday message para sa kaibigang si Zeinab, sinabi nito ang magagandang salita bilang pagdipensa sa mga bashers nito

- Sinabi pa ni Awra ang kahalagahan ng acceptance upang tuluyang maging masaya ang isang tao kaya naman masaya sila para kay Zeinab

- Maaalalang una nang naglabas ng pahayag ng pagtatanggol kay Zeinab ang kapatid nitong si Rana Harake

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si Awra Briguela sa mga dumipensa sa kilalang YouTuber na si Zeinab Harake sa mga bashers nito.

Nalaman ng KAMI na matapos na isa-publiko ni Zeinab ang pagdadalang-tao nito ng anak nila ng Ex-Battalion member na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee, umani na ito ng iba't ibang puna mula sa netizens.

Zeinab Harake, ipinagtanggol ng kanyang kapatid sa mga bashers

To the rescue naman ang mga kaibigan at mahal sa buhay ni Zeinab sa pagdipensa sa kanya lalo na sa kinahinatnan ng kontrobersyal nilang relasyon ng rapper.

Awra Briguela, dinipensahan ang kaibigang si Zeinab Harake sa mga bashers

Photo from @awrabriguela
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa birthday greeting ni Awra, sinabi nito ang mga magagandang salita bilang pagdipensa kay Zeinab sa mga walang-awang bumabatikos sa kanyang pagbubuntis.

"Never judge a person for their mistakes, judge a person on how they fix them. Because we cannot change anything unless we accept it. Always remember that happiness can exist only in acceptance," pahayag ni Awra sa kanyang Instagram post kasama ng pagbati sa kanyang kaibigan.

Makikita rin sa post ang larawan nina Awra at Zeinab kasama si Skusta Clee. Mababakas ang kasiyahan ng dalawa lalo na sa mga larawang inilabas nila matapos ang rebelasyon ng kanilang muling pagiging magkasintahan at magiging magulang ng kanilang first baby.

Luis Manzano, nilinaw na engagement shoot ang naganap sa Amanpulo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Awra Briguela ay nagsimula sa showbiz bilang isang child star sa teleseryeng Ang Probinsyano. Nakilala si Awra sa kanyang mga viral na social media post. Nakasama rin siya sa pelikula ni Vice Ganda.

Kamakailan ay madalas na siyang makita kasama ng Team Zebby ng kilalang content creator sa YouTube na si Zeinab Harake.

Mabilis na nag-viral ang vlog kung saan inamin ni Zeinab ang kanyang ilang buwan nang pagbubuntis.

Bukod kay Awra, ipinagtanggol din si Zeinab ng kanyang kapatid na si Rana Harake sa mga bashers. Sinabi nitong maging masaya nalang dapat ang mga bashers na ito kina Zeinab at Daryl.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel