Zsa Zsa Padilla, sinorpresa si Little Yorme Aaron Sunga sa Bagac, Bataan

Zsa Zsa Padilla, sinorpresa si Little Yorme Aaron Sunga sa Bagac, Bataan

- Pinasyalan ni Zsa Zsa Padilla ang child star na si Aaron Sunga sa kanilang probinsiya

- Nagdala siya ng mga regalo para sa bibong bata na nakilala sa bansag na Yorme

- Napatalon sa tuwa si Yorme habang nagpapasalamat nang matanggap ang mga regalo

- Si Aaron ay minsan nang napasama sa noontime show ng Kapamilya network na 'It's Showtime'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang mapagsidlan ang tuwa ni Aaron Sunga o mas kilala sa bansag na Yorme nang makita niyang muli ang isa sa kanyang nakasama sa It's Showtime na si Zsa Zsa Padilla.

Ayon sa Divine Diva, palagi umanong pumupunta sa kanilang dressing room noon si Yorme kaya't napalapit na rin siya dito.

Dahil sa pagkakasara ng ABS-CBN at ng lockdown na dulot ng pandemya, matagal nang hindi napapanood si Yorme sa It's Showtime.

Ms. Everything, nagbahagi ng love advice sa kanyang mga tagahanga
Zsa Zsa Padilla, sinorpresa si Little Yorme Aaron Sunga sa Bagac, Bataan

Photo from Zsa Zsa Padilla (zsazsapadilla)
Source: Instagram

Pinasyalan ni Zsa Zsa ang child star sa Bagac, Bataan kung saan siya nakatira. Napatalon pa sa tuwa ito habang isa-isang binubuksan ang mga regalo mula kay Zsa Zsa at sa anak nitong si Karylle.

Samantala, marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang galak na muling makita si Aaron.

Sobrang na miss ko tong batang to sa TV....sobrang bait at marunong mag appreciate kung ano binibigay sa kanya maliit man o malaking bagay... Tumulo luha ko nung tumalon siya sa sobrang saya...
Thank you Zsa Zsa for featuring Yorme. I missed him since Pandemic I stopped seeing him on screen giving joy to others (viewers)
Kitang-kita sa mga kilos ni yorme na appreciate nya lahat ng gifts thank you po for your generosity miss Zsa Zsa! God Bless!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

‘Goin’ Bulilit’ star na si Trina Legaspi, ibinahagi ang video ng proposal ng kanyang fiancé

Sumikat si Aaron Sunga dahil sa pagviral ng kanyang video kung saan nakita ang kanyang kabibohan. Matapos mag-viral, naimbitahan siya sa TV show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice kung saan nakasama niya ang Yorme ng Maynila na si Isko Moreno.

Kinaaliwan siya nang mapasama siya sa It's Showtime. Maging ang mga host ng noontime show ay kinagiliwan siya kabilang na si Vice Ganda. Sa katunayan, bumigkas pa ito ng tula para kay Vice.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel