Kean Cipriano, nagbahagi ng nakakakilig na pagbati sa kaarawan ng asawa

Kean Cipriano, nagbahagi ng nakakakilig na pagbati sa kaarawan ng asawa

- Ayaw paawat ni Kean Cipriano sa pagpapakilig sa kanyang asawang si Chynna Ortaleza

- Sa kaarawan ng kanyang asawa ay isang sweet na birthday message ang kanyang ibinahagi

- Kwento niya, high school crush lamang niya noon ang aktres na kanyang napapanood sa mga pelikula

- Mabait umano sa kanya ang tadhana at naging asawa at nakakasama niya araw-araw si Chynna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang birthday greeting para sa kanyang asawa, ibinuking ni Kean Cipriano na high school pa lamang siya ay crush niya na ang asawa niyang si Chynna Ortaleza na dati nang naging bahagi ng mga teleserye at pelikula.

Naaalala ko birthday ko dati, pinanuod namin ng parents ko yung pelikula na “Kuya” sa Ever Gotesco. Crush na crush kita sa pelikula na yon. Isa yon sa paborito kong barkada film.
Pauleen Luna, pinakita ang kanyang bagong hairstyle

Dagdag pa ni Kean, mabait sa kanya ang tadhana dahil ang kanyang crush noon ay naging asawa niya at nakakasama niya pa halos segu-segundo ng kanyang buhay.

Mabait sakin ang tadhana. Akalain mong yung highschool crush ko, naging asawa ko. Hahaha tindi di ba!

Ang kanyang wish para sa asawa ay good health, wealth, peace of mind at calmness.

You deserve to be happy. Praying for good health, wealth, peace of mind and calmness.
Kean Cipriano, nagbahagi ng nakakakilig na pagbati sa kaarawan ng asawa

Photo from Kean Cipriano (@kean)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Taong 2015 nang ikinasal sina Kean at Chynna sa isang secret civil ceremony. Matapos ang dalawang taon, ikinasal naman sila sa isang church wedding sa Twin Hearts of Jesus and Mary sa Quezon City noong November 7, 2017. Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Stellar at Salem.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ms. Everything, nagbahagi ng love advice sa kanyang mga tagahanga

Kamakailan ay usap-usapan ang ibinahaging litrato ni Chynna kung saan makikitang nakatulog na si Kean nang nakaupo dahil sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Nauna ring ibinahagi ni Chynna ang umano'y ginawa niya upang mapabago ang asawa sa pagiging babaero nito.

Matatandaang sa kanilang wedding anniversary aminado si Kean na ang relasyon nila ni Chynna ay maituturing niyang pinakamatagal na naging relasyon niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel