Ina Raymundo, ibinuking na crush ng anak na si Jacob Poturnak si Julia Barretto

Ina Raymundo, ibinuking na crush ng anak na si Jacob Poturnak si Julia Barretto

- Ibinuking ni Ina Raymundo ang sariling anak nito tungkol sa kanyang paghanga kay Julia Barretto

- Si Ina ang kasama ni Julia sa kanyang Drunk and Spill series sa kanyang YouTube channel

- Tinukso pa ni Ina si Julia at tinanong kung papayag itong maging daughter-in-law niya

- Nagkasama sina Ina at Julia sa ilang mga proyekto kagaya ng 'Vince and Kath and James', 'Ngayon at Kailanman', 'Block Z' at 'I Am You'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi nina Ina Raymundo at Julia Barretto ang kanilang kasiyahan na sa wakas ay nagkasama silang muli. Ayon kay Julia, itinuturing niyang ina at malapit na kaibigan si Ina.

“We were really thinking of, you know, someone who was really close to me, who really knew me. She’s just somebody that I call my mom and I always tell her you’re my half momma and my half best friend,” aniya.

Kyle Echarri, aminadong mahalaga para sa kanya si Francine Diaz
Ina Raymundo, ibinuking na crush ng anak na si Jacob Poturnak si Julia Barretto

Photo from Julia Barretto (@juliabarretto)
Source: Instagram

Pagbabahagi ni Ina, “It all started back in 2016. So ‘yung una Vince and Kath and James, pangalawa ‘yung Ngayon at Kailanman, tapos Block Z, then ‘yung huli I Am You. Tapos ito ngayon, YouTube naman.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa sa pagsasalaysay ni Ina, siya ang isa sa mga unang taong nakaalam tungkol sa pagdadalang-tao noon ni Marjorie kay Julia.

“Back in 1996, nagkasama kami ng mommy niya, si Marjorie. So, isa ako sa pinakauna niyang sinabihan na pregnant siya with Julia na nu’n. That was August 1996. Parang that’s why we’re connected kasi nu’ng nasa tummy palang siya ng mommy niya, alam ko na siya. Isa ako sa unang nakaalam,” aniya.

Habang nag-uusap sila, napansin ni Julia ang anak ni Ina na nanonood sa kanila. “Look at the very handsome son,” ani Julia.

Elha Nympha at Brian Gazmen, hiwalay na

“Kuya, can I say that you have a crush on Julia?” ani Ina na hindi na napigilang ibuking ang anak.

“You already said so…” tugon naman ng binata.

“He has a crush on Julia," muling pambubuking ni Ina.

Tinukso pa ni Ina si Julia kung papayag itong maging daughter-in-law niya. Payag umano siya sa kabila ng pitong taong agwat nila. Mas matanda ng 7 taon si Julia sa kanyang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Julia Barretto ay anak ng komedyanteng si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Nagsimula siya sa showbiz bilang si Anna Calugdan sa fantaseryeng Kokey sa ABS-CBN.

Dahil sa galing niya sa pag-arte ay naging bahagi siya ng maraming mga serye at pelikula. Ilan sa mga ito ay Gulong ng Palad, Walang Kapalit, Palos, And I Love You So, A Love To Last, Para Sa Hopeless Romantic, and Vince and Kath and James.

Bea Rose Santiago, ibinunyag na 5 beses nagda-dialysis sa isang linggo

Sa nakaraang video na kanyang ibinahagi, pinasilip ni Julia ang kanyang koleksiyon ng mga designer bags.

Ibinahagi niya rin sa kanyang subscribers ang kanyang walk-in closet.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel