OFW at mister na seaman, matatag ang relasyon kahit hindi magkasama

OFW at mister na seaman, matatag ang relasyon kahit hindi magkasama

- Ibinahagi ng isang OFW kung paano nagiging matatag ang relasyon nila bilang mag-asawa ng kanyang mister na isa namang seaman

- Hindi man magkasama, masasabing maayos ang kanilang buhay may asawa dahil na rin sa mga pinagdaanan nila sa kani-kanilang mga unang relasyon

- Pareho kasi silang single parents at aminadong hindi naging matagumpay ang mga naging unang relasyon

- Subalit isa raw iyon sa mga nagpatibay ng kanilang buhay mag-asawa na mayroong pagmamahal at tiwala malayo man sa isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinuwento ng isang overseas Filipino worker ang kahanga-hanga nilang love story ng kanyang mister na isang seaman.

Pareho silang mga single parent na dati'y nagkakahingahan lamang ng mga problema at sama ng loob tungkol sa kanilang mga buhay.

Halos pareho rin talaga sila ng pinagdaanan sa una nilang naging mga karelasyon. Pareho nilang binigyan ng pagkakataon na maayos ang dati nilang mga katipan subalit nauwi pa rin iyon sa hiwalayan.

Read also

Mga damit na ibinigay bilang donasyon, hindi napakinabangan

OFW at mister na seaman, matatag ang relasyon kahit na di hindi magkasama
Ang OFW na si Nheng at ang seaman na 'di manloloko' na asawa na niya ngayon. Photo: Nheng Magbanua Sadam
Source: UGC

Umabot ng limang taon bago sila tuluyang nagpakasal. Ayon sa OFW, sapat na raw ang panahong ito upang makilala nang husto ang isa't isa.

Dagdag pa sa kasiyahan nilang dalawa na ay magkasundo ang kanilang mga anak.

Kwento pa ng OFW, lahat ng pagmamahal, pag-aaruga at pagkalinga na di niya naramdaman sa unang nakarelasyon ay labis naman niyang nadarama ngayon sa kanyang mister na seaman.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng kwento ng pag-ibig ng OFW na si Nheng Magbanua Sadam na buong tapang niyang ibinahagi sa KAMI:

"On board si hubby ngayon. Lahat naman tayo may pinagdadaanan eh. Di naman naging madali sa amin pero andiyan kasi yung trust at love.

Yan yung pinanghahawakan ko lalo na't pareho kaming wala sa Pinas.

No secrets, respect, honesty at loyalty.

Di nawawala ang tampuhan pero dapat huwag pairalin ang pride. Makiramdam, may time kasi na moody ang mga hubby kaya huwag sabayan. Syempre ang pagiging malambing sa asawa yan yung gusto nila.

Read also

Misis, kinasuhan ang mister na 'nakitulog' sa babae isang linggo matapos ikasal

Sa asawa ko, give and take kami pero mas madalas mas sweet siya sa akin. Pag may problema dapat sini-share mo sa kanya mapamaliit yan o malaki nang sa ganon feel niya na kasama siya sa lahat bad news or good news man. Di ako naniniwala sa tukso asa tao yan. Pag mahal mo ang tao, di mo siya kayang saktan kasi pag di mo siya mahal diyan papasok ang pagkakamali.

Sa asawa ko no more word kung gaano ako kasaya nang binigay ka sa amin ni Lord. Wala naman na akong gusto kundi ang maging healthy at safe ka sa iyong work. Thank you boss for loving me and my son. Love you so much and God Bless you! Muahhh."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa naunang naiulat ng KAMI, isa namang kababayan natin sa Saudi ang sinuwerte sa amo. Napakaayos ng trato nito sa kanya na halos pamilya na ang turing sa kanya.

Read also

Bagong commercial ng RC Cola, ikinagulat ng maraming netizens

Mayroon din naman tayong mga kababayang maagang nakita ang katas ng kanilang pagsusumikap sa abroad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica