5-anyos na batang nagsusulat ng kanyang pangalan, nais na lamang papalitan ito ng 'Boy'
- Viral ang video ng isang batang lalaki na umiiyak habang nagsusulat ng pangalan niya
- Reklamo ng limang taong gulang na bata, mahaba raw ang pangalan niya ay nais na lamang niya itong papalitan
- Nang tanungin ng ina, sinabi nitong 'Boy' na lamang daw sana ang ipinangalan sa kanya dahil iilang letra lamang ito at hindi pa umano siya mahihirapan
- Aliw na aliw ang mga netizens at tila naka-relate umano ang ilan na mayroon ding mahabang pangalan na nais ding papalitan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinagiliwan online ang cute na cute na batang lalaki na umiiyak habang ito'y nagsusulat ng kanyang pangalan.
Nalaman ng KAMI na nahahabaan umano ang limang taong gulang na si Grayven Thomas D. Valdez at nahihirapan siyang isulat ito.
Binahagi ni Jay Molins ang nakakaliw na video ni Grayven na tila nakikipagnegosasyon pa na papalitan ang kanyang pangalan.
Nang tanungin kung anong nais niyang ipalit, mabilis niyang sinagot ang 'Boy.'
"Gusto ko Boy Valdez, opo, mas madali lang isulat yung B-O-Y tapos Valdez," ang katwiran ni Drayven.
Mapapansin din ang talino ng batang ito dahil sa murang edad ay kaya naman niyang mabaybay ang kanyang buong pangalan maging ang bantas na kailangan para sa kanyang middle initial.
Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa video ni Grayven at marami pa nga raw ang naka-relate sa kanya dahil mahahaba rin daw ang kanilang mga pangalan na nais din nilang papalitan ng mas maiksi.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Tahan na beh, di ka nag-iisa. bumawi na nga lang ako sa nickname ko na three letters lang"
"Waah, ang cute! Don't worry baby boy. Ako rin ganyan nung kinder. Buti nalang Uy lang apelyido ko kaya nakapahinga na sa last part. haha"
"Pero nakakabilib kasi kaya niya i-spell ang mahaba niyang name ah, pati punctuation mark na period sa middle name"
"Warning na to' sa mga soon to be parents, 'Boy' nalang po ang ipangalan sa anak para happy sila at ganado magsulat."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan ay nag-viral din ang video ng batang babae na naiyak din sa pagsusulat ng mahaba niyang pangalan. Tatlo kasi ang kanyang pangalan dagdag pa ang panggitna at apelyido.
Kinagiliwan din ang isang batang babae na hinangaan sa diskarte niya sa pagsasagot ng learning module masunod lamang ang panuto na ibinigay ng guro.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh