Diskarte ng estudyante sa pagsasagot ng kanyang module, kinagiliwan ng netizens

Diskarte ng estudyante sa pagsasagot ng kanyang module, kinagiliwan ng netizens

- Viral ang video ng isang estudyante na gumawa talaga ng paraan para masagutan ang kanyang module

- Makikita kasing 'matching type' ang pinasasagutan sa bata subalit ang karugtong ay nasa kabilang pahina ng module

- Sa kagustuhang masagutan ang activity, ginuhitan ng bata ang module hanggang sa kasunod na pahina upang dumugtong sa tamang sagot nito

- Natuwa ang mga netizens at sinang-ayunan ang ginawa ng bata na kung sila raw ang sasagot ng module, marahil ganoon din ang kanilang ginawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Diskarte ng estudyante sa pagsasagot ng kanyang module, kinagiliwan ng netizens

Photo from Keith Talens Vlog "Kasatsat" Facebook
Source: Facebook

Kinagiliwan ng maraming netizens ang isang 'madiskarteng estudyante' na nakunan ng video habang nagsasagot ng kanyang module.

Nalaman ng KAMI na masuring sinasagutan ng estudyante ang kanyang module nang makita nitong nasa likod pala ang tamang sagot.

Sa video na binahagi ng Keith Talens Vlog "Kasatsat", makikitang matching type o pag-uugnay ang uri ng gawain na sinasagutan ng batang si Kiyomi.

Rosanna Roces at anak nitong si Onyok, nagkabati na

Nang hindi niya makita ang tamang sagot, sinubukan niyang tingnan ang kasunod na pahina.

Mapapansing tila nag-isip ng ilang segundo ang bata saka niya nagawang guhitan hanggang sa kasunod na pahina ang module para lamang mai-konekta ito sa tamang sagot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aliw na aliw ang mga netizens sa diskarteng naisip ng batang si Kiyomi at maging sila raw ay ganoon ang gagawin sakaling sila ang magsasagot sa module.

Subalit bago matapos ang video, makikita sa panuto na titik lamang pala ng tamang sagot ang dapat na isulat at hindi pala ito dapat na guhitan.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa pagbubukas ng klase sa mga paaralang blended learning ang istratehiya ng pagkatuto, nagkaroon ng maraming kuro-kuro ukol sa mga learning modules at maging sa mga palabas ng DepEdTV.

Estudyanteng nakatanggap ng mga bato imbis na laptop, nabiyayaan

Isa na rito ang kilalang singer at aktres na si Lea Salonga na pumuna sa nakitang mali ng isang learning module.

Bago pa mang magsimula ang klase, humingi na ng paumanhin ang Department of Education sa mga nakitang pagkakamali ng kanilang test braodcast ng ilang programa ng DepEd TV.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel