Video ng batang naiyak sa pagsusulat ng kanyang pangalan, kinagiliwan ng netizens
- Kinagiliwan ang batang babae sa isang viral video na naiyak sa pagsusulat ng kanyang pangalan
- Nang tanungin siya ng kanyang ina, sinabi nitong mahaba raw kasi ang kanyang pangalan kaya naman
- Tinanong pa ng ina kung nais ng bata na papalitan ang kanyang pangalan at sumang-ayon ito
- Sa update ng nagpost, araw-araw na nagpa-practice ang bata sa pagsusulat ng pangalan niya at bagaman at nasasanay na ito, paminsan-minsan ay nahahabaan pa rin daw itong sulatin ang kanyang pangalan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang naaliw sa nakakatuwang video ng isang batang babae na umiiyak habang hawak niya ang kanyang lapis.
Nalaman ng KAMI na ang batang ito ay nagsusulat pala ng kanyang pangalan na may kahabaan.
Sa video na ibinahagi ng ALL about US, makikitang ang batang babae na umiiyak at tinanong ng kanyang ina kung ano ang dahilan.
"Ang haba ng pangalan ko!" ang sagot ng batang tila hindi pa natatapos na isulat ang kanyang pangalan na "Rhedge Wilslet Nichole Marcelo Timoteo."
Kadalasan kasi, kung hindi man isa, ay hanggang dalawa lamang ang ipinapangalan ng mga magulang sa kanilang anak.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ngunit sa kaso ng batang ito, tatlo ang kanyang pangalan, at pinasusulat pa sa kanya ang kanyang 'middle name' at apelyido.
Kaya naman kung pagsasama-samahin, mahaba nga talaga ang kanyang pangalan.
Nang tanungin ng kanyang ina kung nais niyang magpapalit ng pangalan, napatango na lang ito.
Sa update ng post, patuloy pa rin na nagpa-praktis ang bata sa pagsusulat at tila nasasanay na ito sa mahaba niyang pangalan.
Narito ang kabuuan ng video:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa pagbubukas ng klase nitong Oktubre 5, nananatili pa rin ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga tahanan bilang pag-iingat sa COVID-19.
Kaya naman ang batang si "Rhedge Wilslet Nichole Marcelo Timoteo" ay todo-todo sa pagsasanay sa pagsusulat kahit siya ay nasa tahanan lamang.
Kamakailan ay nag-viral din ang video ng madiskarteng bata na nagsasagot ng kanyang learning module.
Gumawa talaga ng paraan ang bata na masagutan ang kanyang module kahit pa nasa karugtong na pahina ang sagot sa activity nilang 'matching type.'
Katuwang ng paaralan ang mga magulang ngayong na siyang nagsisilbing mga guro ng kanilang mga anak lalo na kung hindi sila makasabay sa online learning.
Malaki ang responsibilidad na nakaatang ngayon sa mga magulang lalo na at sa bahay pansamanatala nag-aaral ang kanilang mga anak.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh