Lyca Gairanod, hindi napigilang maiyak nang alalahanin ang kanyang karanasan sa buhay

Lyca Gairanod, hindi napigilang maiyak nang alalahanin ang kanyang karanasan sa buhay

- Muling binalikan ni Lyca Gairanod ang kanyang naging karanasan bago pa niya nakamit ang tagumpay

- Sa pamamagitn ng kanyang mga damit na kanyang isinuot sa ilang mga mahahalagang okasyon sa kanyang buhay, ikinuwento ni Lyca ang kanyang karanasan

- Kabilang na dito ay ang damit na kanyang sinuot noong kanyang ika-sampung kaarawan na kauna-unahang kaarawan niyang may bonggang pagdiriwang

- Pinakita niya rin ang damit na kanyang isinuot noong nanalo siya sa The Voice Kids

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Lyca Gairanod nang muli niyang balikan ang kanyang karanasan bago paman siya nakapasok sa mundo ng showbiz.

Ipinakita niya ang ilan sa mga damit na kanyang sinuot sa ilang mahahalagang kaganapan sa kanyang buhay. Ilan sa mga ito ay ang mga damit na kanyang ginamit noong sumali siya sa The Voice Kids kung saan tinanghal siyang kampeyon.

Construction worker, dala ang mga modules na sinasagutan tuwing break time

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lyca Gairanod, hindi napigilang maiyak nang alalahanin ang kanyang karanasan sa buhay

Screenshot from Lyca Gairanod's YouTube video
Source: Instagram

Kabilang din sa kanyang pinakitang damit ay ang gown na kanyang sinuot sa kanyang ika-sampung kaarawan. Pagbabahagi ni Lyca, iyonn ang unang pagkakataon na nakapag-celebrate siya ng kanyang kaarawan na may malaking handaan.

Pinakita niya rin ang damit na kanyang sinuot sa kanyang pagpromot ng kanyang kauna-unahang album sa talk show nina Kris Aquino at Boy Abunda.

Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1.

Ina, di inaasahang napaanak sa kalagitnaan ng kanyang bar exam

Bago pa man siya sumikat ay nagviral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay malitt pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.-pagkakaroon-ng-1-milyong-subscribers-sa-youtube.html

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel