Reporter ni Raffy Tulfo, naiyak dala ng matinding awa sa natulungan nilang PWD

Reporter ni Raffy Tulfo, naiyak dala ng matinding awa sa natulungan nilang PWD

- Hindi napigilang maluha ng reporter ng 'Raffy Tulfo in Action' na maiyak habang kinakapanayam ang tutulungan nilang PWD na nag-iisa na lang sa buhay

- Sa bahagi ng programa ni Tulfo na "Tulong ni Idol" napili si "Tatay Sintoy" na mabibiyayaan ng P50,000

- Ito ay sa tulong ng kambal na nagpadala ng video ni Tatay Sintoy na nagpapakita ng kalagayan nito

- Labis na humanga si Tulfo sa magkapatid dahil hindi para sa kanila ang hinihinging tulong kundi para sa PWD na nag-iisa na lamang sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Reporter ni Raffy Tulfo, naiyak dala ng matinding awa sa natulungan nilang PWD
Photo: Wikimedia Commons
Source: UGC

Naiyak ang ipinadalang reporter ni Raffy Tulfo sa taong kanilang mabibigyan ng tulong.

Nalaman ng KAMI na sa bahagi ng programang "Tulong ni Idol", pumipili sila ng mga karapat-dapat na mabiyayaan.

Sa episode na binahagi ngayong Oktubre 24, si "Tatay Sintoy" ang kanilang matutulungan sa tulong ng kambal na dalagitang sina Ellena at Emillea Sarmiento na nagpadala ng video na nagpapakita ng kalagayan nito.

Read also

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

Person with disability ang matanda. May bukol na ito sa likuran at napag-alaman pang halos hindi na maigalaw ang kaliwang kamay sa sobrang sakit.

Dala ng kahirapan, hindi na raw nito nagagawang magpagamot.

Sa kabila ng kanyang kondisyon, nagsisikap pa rin siyang mamasada gamit ang kanyang padyak.

Noong panahon na naka-enhance community quarantine ang kanilang lugar, ang pamilya ng kambal ang nagpapadala ng tulong para rito.

Pinili raw na mamuhay na mag-isa ni Tatay Sintoy dahil ayaw din niyang umaasa sa mga kaanak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman laking pasalamat niya sa kambal na itinuring niyang hindi iba sa kanya.

Katunayan, mula ng mga bata pa ang dalawa, libre na silang isinasakay ni Tatay Sintoy kung naabutan niya itong papasok sa kanilang eskwela.

Ito raw ang dahilan kung bakit nakintal na sa isipan ng kambal na balang araw ay sila naman ang tutulong sa kanilang Tatay Sintoy.

Read also

Batang namamalimos at lakas loob na nagpabili ng Jollibee meal, nabiyayaan

Naluha ang matanda sa sobrang kagalakan at pasasalamat pa rin sa dalawa dahil sa malaking tulong na matatanggap niya dahil sa mga ito.

Maging ang reporter ni Raffy Tulfo ay nadala sa tindi ng emosyon habang kapanayam ang kambal at si Tatay Sintoy.

At dahil kahanga-hanga ang ginawa ng kambal na hindi para sa kanila ang hiniling na tulong mula sa kanilang Idol Raffy, binigyan din sila nito ng tig P10,000.

Narito ang kabuuan ng nakaaantig ng pusong video mula sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging isa sa mga batikang news anchor sa bansa, kilala rin si Raffy Tulfo sa hindi matatawarang serbisyo publiko na kanyang ginagawa.

Agad din niyang naaksyunan ang mga sumbong ng kababayan nating naapi, ordinaryong tao man o kahit kilalang personalidad.

Read also

Makaganda, nagsangla ng mga alahas na bigay ni Makagwapo dahil wala na raw siyang pera

Kaya naman hindi kataka-takang umabot na sa 16.3 million ang kanyang subscribers sa kanyang YouTube channel.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica