Batang namamalimos at lakas loob na nagpabili ng Jollibee meal, nabiyayaan
- Viral ang larawan ng isang batang namamalimos na lakas loob na nagpabili ng paborito niyang Jollibee meal sa isang customer na papasok sa naturang fast food
- Bukod dito, nagpabili pa ng tsinelas ang bata at hindi naman ito binigo ng lalaki
- Sa pagpapasalamat pa nito, tinanong pa ng bata ang pangalan ng lalaking tumulong sa kanyang makakain at i-add daw niya ito
- Maliban sa lalaki, may isa pang customer ng Jollibee ang nagpaabot ng tulong sa bibong bata
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Natuwa ang netizen na si Jj Villanueva sa batang namamalimos na nakilala niyang si Jamaica.
Nalaman ng KAMI na lakas loob lamang na lumapit si Jamaica kay Jj nang papasok ito sa Jollibee.
Kwento pa ng netizen, nagpabili ng "one piece chicken kanin at coke". Dahil sa naaliw siya pagkabibo ng bata, sumang-ayon naman siya.
Subalit bago pa man siya pumasok sa fast food, humirit na agad ito na kung pwede ay "family size" na lamang daw ang bilhin ni Jj para may maiuwi siya sa pamilya.
Tinanong pa ni Jj kung ilan sina Jamaica at doon niya nalaman na pito sila.
Ngunit dahil kulang na ang perang dala ng lalaki, pinaliwanag niya kay Jamaica na siya lamang ang kaya niyang bilhan ng chicken at rice at fries na lamang ang idagdag niya pampasalubong sa pamilya. Pumayag naman ang bata.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nang i-abot na ni Jj ang pagkain, nagpasalamat naman ang bata subalit humiling pa muli ito sa lalaki.
"Kuya pwede mo ako bilhan tsinelas?" ang muling hirit ng bibong bata. At dahil natuwa naman si Jj na animo'y anak niya kung humiling si Jamaica, binigyan na lamang niya ito ng pambili.
Bago sila magkahiwalay, nag-picture pa ang dalawa. Ang nakatutuwa pa raw sa bata, tinanong pa nito ang pangalan ni Jj upang mai-add daw niya ito sa Facebook.
May Facebook daw kasi siya at nakikigamit siya ng cellphone.
Hangad ni Jj ang kaligtasan ng bata sa pamamalimos nito at hinimok ang publiko na tumulong din sa mga nangangailangan sa paraang kaya nila.
Narito ang kabuuan ng post ni Jj patungkol sa bibong bata na si Jamaica:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa panahon ngayong labis na naghihirap ang mga taong naghihikahos sa buhay dala ng pandemya, maging ang mga anak ay natututong dumiskarte para lamang mabuhay.
Minsan na ring nag-viral ang isang batang nagtitinda ng kabute sa gilid ng kalsada para lamang may maitulong sa gastusin ng kanilang pamilya.
Gayundin ang batang lalaki na nagtitinda ng basahang tahi ng ina para may pandagdag sila sa na pambili ng pagkain sa araw-araw.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh