Lalaking nagpakilalang anak daw ni Marcos, arestado dahil sa iba’t ibang investment scam
- Isang lalaki ang nagpakilalang anak umano ng dating Pangulong Ferdinand Marcos para mag-invest ang mga tao sa kanya
- Sinasabi raw nito na may mga mamanahin siyang gold bars mula sa pamilya Marcos at may pinapakita pa itong gold certificate
- Subalit, peke raw ang mga gold certificate at isang malaking investment scam naman ang ginawa niya
- Madiin namang itinanggi ng suspek ang mga paratang sa kanya at wala raw siyang inaagrabyadong tao
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang lalaki na naman ang muling hinuli ng awtoridad matapos nitong magpakilala umanong anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Nalaman ng KAMI na isang lalaking nagngangalang Malbert Marcos, 53 anyos, ang inaresto ng pulisya.
Ayon sa ulat ng 24 Oras, nagpanggap umanong kaanak ng pamilya Marcos si Malbert upang mag-invest ang mga tao sa kanya.
Noong 2012 pa umano nagsimula si Malbert sa kanyang mga investment schemes. Namimigay umano ito ng pekeng gold certificates dahil marami daw siyang mamanahin na ginto mula sa pamilya Marcos.
Sa ulat naman ng ABS-CBN News (ulat ni Niko Baua), makikita nga sa garahe ni Malbert ang malaking painting na kasama niya si dating Pangulong Marcos.
Bukod sa mga investment scams, inaresto rin si Malbert dahil sa diumano’y carnapping na madiin naman niyang itinanggi.
"Involved pala siya sa mga investment at donation scam. He claims to be the son of Ferdinand Marcos, anticipating na magkakaroon ng withdrawal sa bangko na makukuha niya," ani Manuel Eduarte, hepe ng NBI-AOTC.
Sa ulat ng GMA News Online (isinulat ni Julia Ornedo), itinanggi ni Malbert ang mga akusasyon laban sa kanya.
“Sa mata ng Diyos, hindi ako nang-agrabyado ng kapwa,” aniya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Pangulong Ferdinand Marcos ang ika-10 na Pangulo ng Pilipinas. Ang kanyang asawa ay si dating First Lady Imelda Marcos. Anak naman niya si dating Senador Bongbong Marcos at Senadora Imee Marcos.
Sa nakaraang ulat ng KAMI, inaresto naman ang social media star na si Francis Leo Marcos na nakilala sa pamimigay ng mga donasyon sa mahihirap.
Samantala, nag-viral naman ang emosyonal na liham ni Francis Leo habang nasa loob pa siya ng kulungan.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh