Mga sakay ng delivery truck, pinakyaw ang paninda ng lolo na naglalako sa ulanan

Mga sakay ng delivery truck, pinakyaw ang paninda ng lolo na naglalako sa ulanan

- Viral ang post ng isang netizen tungkol sa lolo na naglalako ng ice cream kahit pa umuulan

- Nakita lang ng uploader ng larawan at video na may nakaparadang delivery truck sa tapat ng kanilang bahay

- Iyon pala, binibili na ng lahat ng sakay ng delivery truck ang paninda ng lolo upang makauwi na ito

- Mababakas sa mga larawan ang kasiyahan ng matanda sa tulong na nagawa sa kanya ng mga nagmalasakit sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mga sakay ng delivery truck, pinakyaw ang paninda ng lolo na naglalako sa ulanan
Photo from Patrick Mariano's Facebook
Source: Facebook

Umantig sa puso ng marami ang post ni Patrick Mariano patungkol sa isang lolo na naglalako ng ice cream kahit umuulan.

Nalaman ng KAMI na nasaksihan mismo ni Patrick kung paano tumigil ang delivery truck sa lugar kung saan naroon ang matanda.

Maya-maya pa'y napansin ng uploader ng mga larawan at video na bumibili pala ang mga sakay ng delivery truck sa lolo.

Read also

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Hindi lamang pala sila bumili kundi pinakyaw din nila ang mga paninda nito.

Sa isang larawan, mapapansing nagulat ang matanda nang bayaran na siya ng isa sa mga lalaking sakay ng truck at hindi na nito kinuha pa ang sukli.

"Doon ko nakita na tinigilan pala nila si tatay na naglalako ng ice cream habang umuulan. Inubos na pala nila yung tinda ni tatay para makauwi na at hindi na magkasakit dahil raincoat lang at sumbrero ang suot na proteksyon sa ulan ni tatay," ang bahagi ng post ni Patrick.

Nabanggit niyang ang mga delivery men pala na sakay ng truck ay mula sa Shalom Organic Fertilizer.

Pinuri niya ang kabutihang nagawa ng mga empleyado at tunay na isang inspirasyon ang kanilang ginawa para sa matanda na sa kabila ng kanyang edad at pilit pa ring naghahanapbuhay para lamang mayroong panggastos sa araw-araw nilang pangangailangan.

Maging ang mga netizens at natunaw ang puso sa kabutihan at pagmamalasakit na ipinakita ng mga delivery men sa matanda.

Read also

Mga mag-asawang mula Bulacan patungong La Union gamit ang kariton, natulungan

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"God will bless you more because you have such a hood heart. Thank you so much for making him happy"

"More people like you kuya. Godbless! Dodoblehin ni Lord yung blessing na ginawa mo kay tatay."

"God bless po sa mga katulad niyo, lahat tayo ay nag-struggle ngayong pandemya, pero nagawa parin nilang tumulong sa iba... mabuhay po kayo!"

"Nakakaluha naman itong senaryo na ito. Ito na siguro ang ilan sa mga kahit na paano'y magandang nangyari ngayong pandemic. Natututo ang bawat isa na mamahagi sa mga higit na nangangailangan."

"Nakaka-inspire po ang post na ito. Dumami pa po sana ang mga tulad niyo"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

Ngayong pandemya, mas lalong dumami ang mga kababayan nating naghihikahos subalit mapapansing dumami rin ang mga nagmamalasakit sa kanilang kapwa.

Minsan na ring nag-viral ang ginawang pagtulong ng isang netizen sa lolo na naglalako ng mga panindang gulay sa gilid ng kalsada. Halos wala raw pumapansin dito kaya naman pinakyaw na lamang ng lalaki ang mga paninda nito.

Nag-viral din ang ginawang pagtulong ng mga motrocycle riders sa isang matandang namumuhay na mag-isa at nakatira sa sira-sirang bahay.

Patunay lamang na ito ang mga Pilipino ay likas na matulungin lalo na sa kapwa nilang higit na nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica