'Makaganda', dumulog na kay Tulfo upang ireklamo ang vlogger BF na si 'Makagwapo'

'Makaganda', dumulog na kay Tulfo upang ireklamo ang vlogger BF na si 'Makagwapo'

- Pinag-usapan sa social media ang naging kontrobersyal na Facebook live ni Caffey 'Makaganda' Namindang kamakailan

- Isiniwalat kasi niya na "scripted" lang lahat ng kanilang vlogs ng boyfriend niya na si Christian Merck 'Makagwapo' Grey

- Dahil dito, dumulog na si Caffey sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" upang ireklamo ang dating live-in partner

- Marami pang ibang pasabog si Caffey sa kanyang mga naging pahayag sa programa ni Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos gumawa ng ingay kamakailan sa social media si Caffey Namindang, commonly known as 'Makaganda' at ang kanyang vlogger boyfriend na si Christian Merck Grey, also known as 'Makagwapo', ay dumulog na si Caffey sa programa ni Raffy Tulfo.

Merong 3.52 million subscribers sa YouTube ang channel nina Caffey at Christian. Isiniwalat kamakailan ni Caffey na scripted lang lahat ng pinapalabas nila sa kanilang vlog.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Ayon din sa kuwento niya, idea lahat ni Christian ang malalaswang content ng kanilang video kahit na labag ito sa kanyang kalooban.

Kasunod nito, nagbanta rin ang mga magulang ni Caffey na magsasampa ng kaso laban kay Christian.

Nalaman ng KAMI na tatlong taon nang magkarelasyon ang dalawa at dalawang taon na ang kanilang YouTube channel.

Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isiniwalat din ni Caffey ang kinikita ng kanilang vlog kada buwan, "Sa isang buwan po, pinakamababa na po P500,000 po."

Umaabot din daw ng isang milyon ang kita nila kada buwan, "Abot na po ng 1 milyon, lagpas po."

Ang masaklap dito, ayon kay Caffe, 5,000 pesos lang inaabot ni Christian sa kanya kada buwan at 5,000 pesos naman sa magulang ni Caffey.

Ayon kay Raffy, hindi tama ang halaga na binibigay ni Christian sa kanya, "Pero kasama ka dun sa content, live-in partner, so therefore dapat meron ka talagang magandang share doon.

Paghaharap nina 'Makaganda' at 'Makagwapo' sa Tulfo, viral na

"Ang nangyare ang binibigay lang sayo para kang aso, hagisan ka lang diyan ng buto and then okay na sa kanya, hindi ka na makapag-reklamo."

Kinuwento rin ni Caffey na ayaw na niyang gawin ang mga pinapagawa ni Christian sa kanya para sa vlog kagaya ng kunwari ay nahulog siya sa hagdanan.

Marami na raw siyang tinamong mga pasa sa katawan dahil dito.

"Sir, yung mga pinapagawa niya po saken na yung mahuhulog sa hagdan basta po yung may mga masasakit na po sir. Pasa-pasa na po ako," paglalahad ni Caffey.

Meron ding mensahe si Caffey sa dating live-in partner, "Puwede mo naman sana ako kausapin eh.. Papatawarin naman kita eh, tao lang din naman ako.

"Pero sana naman magsabi ka naman saken na ayaw mo na hindi yung pinapahirapan mo ako ng ganito."

Watch the full story below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ng tagumpay ng magkasintahang vlogger, nagsilbing inspirasyon sa netizens

Si Rafael Teshiba Tulfo o mas kilala bilang Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist na may radio program sa Radyo5 92.3 News FM na may pamagat na "Wanted sa Radyo".

Sa nakaraang balita, isang seaman ang pinerahan ng halos kalahating milyon ng kanyang girlfriend na buntis na kalaunan ay nalaman niyang iba pala ang tatay ng bata.

POPULAR: Read more news about Raffy Tulfo

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel