Lolong naghahanapbuhay sa lansangan sa gitna ng pandemya, umantig sa puso ng netizens
- Isang lolo ang nag-viral sa social media matapos nitong makita ng isang netizen na nagtitinda sa labas ng mall
- Kwento ng netizen, nakita niya ang lolo na nagbebenta ng apron sa lansangan kahit na delikado lumabas ng bahay ngayon
- Nanawagan naman ang netizen na sana ay matulungan din ng ibang tao si lolo at bilhin ang mga paninda nito
- Emosyonal namang nagpasalamat si lolo sa mga taong tumulong sa kanya kamakailan lang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tampok sa social media ngayon ang isang lolo na patuloy pa rin sa paghahanapbuhay kahit may edad na siya at may pandemya sa bansa.
Nalaman ng KAMI na isang lolo ang nagbebenta ng apron sa lansangan kahit na may banta pa rin ng COVID-19.
Ayon sa Facebook post ng netizen na si Diana Lao, nakita niya raw si lolo na nagbebenta ng apron sa isang mall sa Almar Zabarte.
“Nkakaiyak na mkakita ng ganto sa gitna ng pandemic,na kailangan pa nya mghanap buhay sa kbila ng delikadong panahon,” sabi ni Diana.
Nanawagan ang netizens na sana ay mas matulungan pa ng ibang tao si lolo at bilhin ang mga paninda nito.
Sa isa pang Facebook post ni Diana, ibinahagi ni Diana na binalikan niya si lolo upang ipahatid ang tulong ng iba pang mga tao.
Malaki naman ang pasasalamat ni lolo sa mga tao na tinulungan siya. Aniya, makakapagpahinga na raw siya ng ilang araw sa pagbebenta dahil sa mga tulong na ito.
Samantala, maraming mga netizens naman ang naantig sa paghahanapbuhay ni lolo kahit na delikado sa labas ngayon. Narito ang komento nila sa Facebook post ng Trending Viral:
“Nkakalungkot tlaga pgmatanda kna at walang ngaasikaso syo ,mgsarili knlng tlaga pra mbuhay.”
“Sana poh matulungan si tatay kawawa naman.. pandemic dapat ganyang edad nasa bahay nlng at nagpapahinga”
“Ito sana ang bigyan ng budget ng gobyerno, maglagay ng home for the aged every province para doon sa mga walang- wala na matatanda”
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa panahon ngayon, kanya-kanyang diskarte ang mga Pilipino sa paghahanapbuhay dahil sab anta ng COVID-19.
Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang taxi driver ang dumiskarte at ginawang sari-sari store ang kanyang taxi.
Samantala, isang lolo naman ang nanlimos para bumili ng bagong t-shirt at baryang P400 pa ang binayad nito sa tindera.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh