Guro, nilangoy ang hanggang leeg na ilog para mahatid ang module sa mga estudyante

Guro, nilangoy ang hanggang leeg na ilog para mahatid ang module sa mga estudyante

- Naging viral sa social media ang isang guro na lumangoy sa ilog upang madala ang learning materials para sa mga estudyante niya

- Aniya, maraming walang Internet connection sa lugar nila kaya naman ang mga guro na ang gumagawa ng paraan para sa mga bata

- Aminado ang guro na nasaktan siya sa mga komentong ginagawa niya lamang ito upang magpasikat sa social media

- Paliwanag niya, gusto niya lang tumulong sa mga bata lalo na ngayong may pandemya sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang guro ang muli na namang nag-viral matapos niyang tawirin ang isang ilog para lang mahatid ang learning modules para sa mga estudyante niya.

Nalaman ng KAMI na kahit umabot hanggang sa leeg ng guro ang tubig sa ilog at sumuuong siya rito para sa mga estudyante.

Read also

Lalaking tinulungan pa ang rider na nakabangga sa kotse niya, umantig sa mga netizens

Guro, nilangoy ang hanggang leeg na ilog para mahatid ang module sa mga estudyante
Photo from the Facebook page of GMA Public Affairs
Source: Facebook

Ayon sa Facebook post ng Kapuso Mo, Jessica Soho, pinaliwanag ni Teacher Moises na maraming walang may Internet connection sa kanilang lugar sa Surigao del Sur kaya ang mga guro ang nagbibigay ng learning materials para sa mga bata.

“Ngayong may tinatahak tayong pandemya, parang ang sarap tumulong na kung saan ‘yung mga bata makikita mo sa kanila na nagpapasalamat sila,” sabi ni teacher.

Sa post naman ng GMA Public Affairs, inamin ni Teacher Moises na nasaktan siya sa mga komentong ginagawa niya ang pagsuong sa ilog upang magpasikat sa social media.

“Nasaktan ako sa comment kasi parang ginagawa naming ‘to hindi for fame,” aniya.

Sa nakaraang post naman ng News5, napabalitang nahulog sa sapa si Teacher Moises habang tumatawid dito. Sinubukan niya ring kunin ang mga reading materials na nahulog sa sapa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Sa gitna ng pandemya, nagpasya ang Department of Education na ipatupad ang blended learning upang magpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.

Kamakailan lang ay nag-viral si Teacher Moises nang tawirin niya ang sapa at ang paglaglag niya rito nang maputol ang kawayan habang hinahatid niya ang learning modules para sa mga estudyante.

Samantala, isang guro rin sa Lanao del Norte ang sumuong sa ilog upang madala ang modules sa mga estudyante niya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)