Modus sa Caloocan, idinitalye ng biktima upang magbigay babala sa publiko

Modus sa Caloocan, idinitalye ng biktima upang magbigay babala sa publiko

- Viral ang post ng magkasintahan kung paano sila nakaligtas sa masasamang loob

- Idinetalye nila ang pangyayari at kung paanong maswerteng nakaligtas ang nobya na hawak na mismo ng di kilalang lalaki na nagtangkang pasukin ang bahay nila

- Dahil sa pagiging alerto ng magkasintahan, naharangan nila ang pinto at nagsisigaw ng saklolo upang marinig ng kanilang mga kapitbahay

- Naiwan pa umano ng mga lalaki ang kanilang tsinelas, kutsilyo at pliers sa pagmamadali ng mga ito na tumakas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Modus sa Caloocan, idinitalye ng biktima upang magbigay babala sa publiko
Photo from Genn Sabal's Facebook
Source: Facebook

Usap-usapan online ang pagdedetalye ng magkasintahan kung paano sila muntik nang looban ng mga masasamang loob kahit sila ay gising pa isang madaling araw.

Nalaman ng KAMI na naganap ito sa Barangay 178 Caloocan at pawang dalawang babae ang muntik nang mabiktima.

Sa post ni Genn Sabal, ikinuwento nito ang mabilis na pangyayari kung paanong ang simpleng panghihiram lang ng upuan ng isang lalaki ay mauuwi sa muntik nang panloob at panankit sa kanila.

Read also

9-anyos na batang lalaki, matiyagang naglalako ng merienda para sa pamilya

May mga kalalakihan daw kasi talagang naglalaro ng online games hanggang madaling araw kaya di nila akalain na masasamang loob na pala ang nanghiram kunwari sa kanila ng upuan.

Alas tres na ng madaling araw ito naganap at dahil sa naka-headset si Genn at nagtatrabaho, hindi niya napansin agad na nasakal na pala ng lalaki sa may bintana ang kanyang nobya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mabuti na lamang umano at maluwag ang damit nito kaya naman nang sinubukan niyang umikot, nakawala siya sa pagkakasakal ng lalaki kahit pa napunit na ang kanyang damit.

Doon mas lalong nagalit ang mga lalaki na pilit na nais makapasok. Subalit alerto ang dalawa na iniharang ang sarili sa pinto saka nagsisigaw para makahingi ng saklolo sa mga kapitbahay.

Sa pagmamadali ng dalawang lalaking halang ang kaluluwa, naiwan ng mga ito ang kanilang tsinelas, kutsilyo at pliers na nasa kamay na ng mga pulis.

Read also

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Bagaman at nasugatan ang nobya ni Genn, laking pasalamat pa rin nila na nakaligtas sa pangyayari na maaring ikinamatay pa nila.

Ibinahagi raw nila ito upang magbigay babala sa publiko lalong-lalo na kung ang mga magkakasama sa bahay ay mga babae lamang.

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakalulungkot isipin na tila madalas mapagsamantalahan ang kahinaan ng mga babae kaya madali silang mabiktima ng masasamang loob.

Kagaya na lamang isang lady driver mula Laguna na nalinlang ng nagpanggap na mga pasahero na siyang papaslang pala sa kanya sa loob mismo ng kanyang sasakyan.

Ganun din halos ang sinapit ng isang lady driver na nakaligtas sa nagpanggap ding pasahero sa kanya na ang idinahilan lamang ay dahil dumaranas daw umano ito ng post partum depression.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica