Raffy Tulfo, proud na tinawag na "son-in-law" si Atty. Garreth Tungol

Raffy Tulfo, proud na tinawag na "son-in-law" si Atty. Garreth Tungol

- Napangiti sa saya si Atty. Garreth Tungol nang tawagin na siyang "son-in-law" ni Raffy Tulfo

- Ikinasal na kasi sila ng anak ni Tulfo na si Maricel kamakailan na dinaluhan lamang ng kanilang pamilya

- Ibinahagi rin sa Facebook page ng Raffy Tulfo in Action ang mga larawang kuha sa kasalan

- Maging ang mga taga-subaybay at tagahanga ni Tulfo ay natuwa at mas lalo pa raw titibay ang programa sa pagbibigay serbisyo sa publiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo, proud na tinawag na "son-in-law" si Atty. Garreth

Raffy Tulfo and Family (Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook)
Source: Facebook

Sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag ni Raffy Tulfo na "son-in-law" ang abogado sa kanyang programa na si Atty Garreth Tungol.

Nalaman ng KAMI na kamakailan ay ginanap ang pag-iisang dibdib ni Atty. Garreth at ng anak ni Tulfo na si Maricel sa Taguig.

Dinaluhan lamang ito ng pamilya ng magkabilang panig at ilang saksi.

Ibinahagi na rin sa Facebook page ng Raffy Tulfo in Action ang mga larawan ng mga naganap sa kanilang kasalan na pinangasiwaan ni Associate Justice Edwin D. Sorongon.

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Kitang-kita ang kasiyahang nadarama ng bagong kasal gayundin ng kani-kanilang mga kapamilya.

Sa isang episode ng 'Wanted sa Radyo' kung saan laging hinihingi nila ang opinyon at legal na basehan ni Atty. Garreth, napangiti na lamang ito nang sabihin ni Tulfo na "Thank you son-in-law Atty. Garreth, Congrats sa inyo ni Mar!"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kitang-kita ang reaksyon ng abogado na masaya sa kanyang narinig at halos hindi na nakapagsalita.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens dahil mas lalong magiging matibay ang samahan ng dalawa sa programa at nangangahulugang marami pa talaga silang matutulungan.

Ang ilan, tila namangha nang malaman na kasintahan pala noon ng anak ni Tulfo ang abogado ng programa. Nalaman lamang daw nila nang ikasal na ang mga ito.

Narito ang ang episode kung saan sa ika-9 na minuto at 18 segundo ng video ay nabanggit ni Tulfo na 'son-in-law' na niya ang abogado.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang programa ni Raffy Tulfo sa agarang pagbibigay aksyon sa mga sumbong ng mga inaapi nating kababayan.

Subalit kamakailan, tila iba raw ang nanghihingi ng tulong sa kanilang programa na dinadaan sa mga bulong sa mismong videos nila.

Matapos na mapansin ito ng ilang netizens, agad nang pinasuri ni Tulfo ang mga video clips sa mga eksperto upang malinawan sila kung ano o sino ang gumagambalang ito sa kanilang programa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel