Mga sundalong nasawi sa crash sa Basilan, iniligtas pa ang mga tao
- Hanggang sa huli ay kaligtasan pa rin ng iba ang inalala ng mga nasawing sundalo ng Philippine Air Force sa chopper crash sa Basilan nito lamang Miyerkoles
- Ayon sa isang saksi, muntik nang bumagsak ang chopper na kinalulunan ng mga ito sa isang mataong lugar ngunit nagawa pa rin itong ilayo ng mga piloto
- Sabi pa ng saksi ay nakitang kumakaway ang mga sundalo sa mga tao upang bigyan ng babala ang mga ito
- Nasawi ang apat na sakay ng chopper na ginagamit upang itawid mula sa mga pulo ng bansa ang mga sundalong sugatan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Hanggang sa huli ay kaligtasan pa rin ng iba ang inalala ng apat na sundalo ng Philippine Air Force na nasawi sa chopper crash sa Lantawan, Basilan.
Ayon sa isang saksi, muntik nang bumagsak ang chopper na kinalulunan ng mga ito sa isang mataong lugar ngunit nagawa pa rin itong ilayo ng mga piloto.
Batay sa Facebook post ni Josephine Jaron Codilla sinabi ni Jomar Martinez Abubakar na kumakaway ang mga sundalo sa mga tao upang bigyan ng babala ang mga ito.
"Nag papasalamat parin po kami dahil hinde bumagsak sa may ka bahayan ang holicopter katunayan kumakaway pa sila na pinapaalis ang mga bata nag lalaro sa covered court...dahil muntikan na bumagsak pero pinilit nila lumayo para walang madamay mga tao. Salute to our fallen heroes," ayon kay Abubakar sa isang FB post.
Ang Sikorsky ambulance helicopter ay ginagamit upang itawid mula sa mga pulo ng bansa ang mga sundalong sugatan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ayon sa report ng 24 Oras, susunduin sana nito ang mga sundalong nasugatan sa pagsabog sa Jolo noong Agosto.
Ilan sa mga tinitignang anggulo sa crash ay ang masamang panahon, human at material factor.
Kanina, September 17, ginawaran ng departure honors ang apat na sundalong nasawi.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Unang naiulat ang kalunos-lunos na pagbagsak ng ambulance helicopter nito lamang Miyerkoles bandang 1:00 p.m. kung saan apat ang agad na namatay.
Kamakailan lang, isang sundalo rin ang nasawi matapos magtamo ng matinding pinsala dulot ng pagsabog sa Sulu noong Agosto at nag-iwan ng nakakaiyak na mensahe.
Pinag-usapan din ang paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lupa kung saan naganap ang pagsabog.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh