Pwersahang pagkuha sa isang babae sa kanilang bahay, sapul sa CCTV
- Sapul sa isang CCTV ang marahas na pagkuha sa isang babae sa sarili nitong bahay
- Hindi naman malinaw ang pagkakakilanlan ng mga taong kumuha sa babae gayundin ang dahilan ng umano'y "pag-aresto"
- Makikita din ang isang bata na anak diumano ng babae na umiiyak habang kinakaladkad ang kanyang ina palabas ng kanilang bahay
- Marami sa mga netizens ang umalma sa ginawa ng mga sinasabing naka sibilyan na pulis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umani ng masidhing reaksiyon ang isang video na sapul sa isang CCTV sa loob ng isang bahay sa Tabon 2 Kawit, Cavite. Makikita sa nasabing video ang isang babaeng pwersahang isinama ng mga kalalakihan na hindi pa malinaw ang pagkakakilanlan.
Ayon sa caption ng mga video na kumakalat, naka sibilyan na pulis ang mga nasabing lalaki.
Inalmahan ng mga netizens ang pwersahang pag-aresto sa babae nang wala man lamang umanong arrant of arrest.
Bukod pa dito, dahil sa pagpupumiglas ng babae upang makawala sa mga lalaki, naging marahas ang mga ito sa kanya at makikitang sinaktan ng isa sa mga ito ang babae.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marami din ang naantig sa eksena dahil makikita ang kasamahan ng babae sa bahay na nagmamakaawa.
Isang bata din ang umiiyak habang nasasaksihan ang buong pangyayari. Ayon sa caption ng Facebook page na One Cavite, ang babae sa video ay si Dana Jamon na taga Tabon 2 Kawit, Cavite at anak umano ni Dana ang bata sa nasabing video.
Nasa CCTV footage din na hindi man lang na recite ang Miranda rights at binasahan ng warrant of arrest na ibinahagi din ng Facebook Page na Philippines CCTV & DASH CAM Spotted.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Ang karapatan ng mga nahuli ay nakasaad sa Article III mula section 11 hanggang 22 ng Saligang Batas.
Kabilang na rito ang karapatan na manahimik, magkaroon ng abogado, at maipaalam ang kabuuang karapatan ng akusado.
Kapag hindi ito nasabi ng umaarestong awtoridad, maaaring makasuhan ang mga ito ng paglabag sa karapatan ng akusado at posibleng mapatawan ng pagkakakulong na hindi bababa sa 8 taon o penalty na hindi bababa sa P6,000.
Matatandaang naging viral din sa social media ang pagkompronta ni NCRPO chief Debold Sinas sa isang pamilya sa Taguig na nakuhanan sa isang CCTV footage.
Si NCRPO Chief Debold Sinas ay nasangkot din sa kontrobersiya matapos kumalat ang mga litrato na kuha sa kanyang birthday celebration habang nasa ilalim ng community quarantine ang maraming lugar sa bansa kung saan ipinagbabawal ang pagtitipon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh