Reply ng isang "assistant principal" sa text ng estudyante, usap-usapan online
- Viral ang screenshots ng isang di umano'y principal sa text ng isang estudyante
- Maayos na nagtanong ang estudyante patungkol sa kanyang seksyon ngunit nagulat ang netizens sa naging sagot ng assistant principal
- Maging ang sagot din ng kanilang paaralan sa group chat ay labis ding ikinagulat ng marami
- Ang ilan ay nagsasabing may punto naman ang reaksyon ng asst. principal at mismong GC ng paaralan habang ang ilan ay nagsasabing tila may mali sa kanilang pagsagot
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naging usap-usapan sa social media ang naging usapan ng isang estudyante at ng assistant principal di umano ng kanilang paaralan.
Nalaman ng KAMI na nabura na ng bata ang nag-viral niyang post ngunit marami ang nakapag-share na nito.
Tulad na lamang ng netizen na si Benjie Zonio Pelayo na muling naibahagi ang screenshot ng usapan at nais na paaksyunan pa sa Department of Education.
"Please lang, ‘Wag sanang palampasin ng DepEd yung ginawa nung teacher na ‘to. Oras na nabasa ko yung convo nila nung estudyante nag init dugo ko. Nagtataka lang ako binura nung bata yung post niya kasi marami ng nag-share nung post nya. Sana maging lesson ‘to sa iba!" ang caption ng post ni Benjie.
Sa larawan, napangalanan ang sinasabing assistant principal na si Rhyan Medina.
Makikitang maayos na nagtanong ang estudyante patungkol sa kanyang seksyon gayung nakapag-enrol na umano siya.
Ngunit tila hindi nagustuhan ng mga netizens ang naging sagot ni Medina.
Pansin nilang tila na-irita umano ang sinasabing assistant principal at sa kanya nagtanong ang mag-aaral gayung hindi naman siya ang naka-assign sa kanilang enrolment.
Sinunod naman nito ang sinabi ni Medina kaya sa page naman ng kanilang paaralan ito nagtanong.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Subalit ang masaklap sa nangyari, muli na namang nasabihan ang estudyante na nagtatanong lamang kung naging maayos ba ang pagproseso ng kanyang enrolment at nais din niyang malaman ang kanyang seksyon.
Napagsabihan din ito tungkol sa minsang pagtatanong sa assistant principal. Sinabi ng estudyante na nagtatanong lamang siya at mapapansing sa magalang naman na paraan.
"Alam mo ba ang konsepto ng personal space. Ikaw lang ang aplikanteng dumidiretso sa kanya Special ka ba?" ang maanghang na pahayag ng page ng paaralan na ikinabahala ng maraming netizens.
Ayon sa mga nakakita ng post, tila may mali sa magkabilang panig ng assistant principal at estudyante.
May mga nagsasabing mali ang mag-aaral na nagtanong ng diretso sa pumapangalawa sa punongguro dahil hindi naman talaga nito masasagot kung ano ang pangkat ng bata.
Subalit, gaya ng paliwanag ng marami na sana'y maayos nitong sinagot ang bata gayung maayos itong nagtanong.
Ang ilan ay napansin din ang hindi magandang pagsagot ng page ng paaralan na sana'y ipinaliwanag sa mag-aaral ang simpleng protocol pagdating sa kanyang impormasyong itinatanong.
Magsilbing aral nawa ito sa mga guro, magulang at mag-aaral lalo na at karamihan ng ginagawa natin ngayon sa edukasyon ay online na.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Habang ang ilang mga paaralan at unibersidad ay nagsisimula na ang klase, Oktubre 5 pa ang itinakdang petsa ng DepEd para sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.
Orihinal itong naitalaga noong Agosto 24 ngunit sa kadahilanang nailagay pansumandali ang ilang lugar sa mas mahigpit na quarantine, napagdesisyunan itong i-urong sa Oktubre.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh