Co-host ni Raffy Tulfo, naluha sa kwento ng batang dumulog sa kanilang programa
- Maging ang co-host ni Raffy Tulfo na si Sharee Roman ay naantig ang puso sa kwento ng batang dumulog sa kanilang programa
- Nais nang batang magkabalikan ang kanyang mga magulang na nagkahiwalay na
- Humanga rin maging si Tulfo mismo sa pagiging matalino ng bata na kayang dalhin ang suliranin ng kanilang pamilya
- Sa tuwa ni Tulfo sa bata, binigayn niya ito ng magagamit na gadget para sa kanyang online class at tulong pinansyal lalo na at nalaman niyang bantay din ito ng kanilang munting tindahan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi napigilang maluha ni Sharee Roman, ang co-host ni Raffy Tulfo sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' dahil sa kwento ng batang dumulog sa kanila.
Nalaman ng KAMI na 10 taong gulang lamang ang batang si "Dorie" na humingi ng tulong sa kanyang Idol Raffy para magkabalikan ang kanyang mga magulang.
Nagkahiwalay na umano ang mga ito dahil sumama ang kanyang ama sa mas batang babae.
Dahil dito, ang kanyang ina naman ay napapabarkada sa paghahanap ng makakausap at uunawa sa kanya dahil sa ginawa ng mister.
Tuwing Sabado raw ay nabibisita naman si Dorie ng ama upang magbigay din ng sustento.
Ngunit lagi raw ito ng nagmamadali na umalis na ikinasasama pala ng loob ng bata.
Para sa kanya, nais niyang magkasama pa rin ang kanyang mga magulang.
Nalulungkot daw kasi siya lalo na kung may mga kaganapan sa kanilang paaralan na wala manlang siyang kasamang magulang habang ang kanyang mga kaklase ay parehong kasama ang ama't ina.
Sa kabila rin ng mga nasaksihang pangyayari sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang, napanatili pa ni Dorie na maging isang honor student.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Naging matagal man ang diskusyon nina Tulfo at mga magulang ni Dorie, nakumbinsi niya itong magkabalikan na para sa anak.
Sinabi rin kasi ni Tulfo na patong-patong na kaso ang maaring harapin ng ama ni Dorie kung hindi ito babalik sa kanyang mag-ina.
Bago matapos ang panayam, naisipan din ni Tulfo na bigyan ng tulong si Dorie. Natuwa kasi siya rito sa maayos na pagsagot ng bata at pagsasalaysay sa kaganapan sa kanilang pamilya.
Sabi pa ng host, masuwerte ang mga magulang ni Dorie dahil matalino at mabait ang bata.
Natuwa rin si Tulfo nang magpasalamat ang bata sa kanyang guro na siyang gumabay daw sa kanya sa panahong naguguluhan siya sa away ng kanyang mga magulang.
Dahil dito, nangilid ang luha ni Sharee na nakausap pala ang bata bago magsimula ang programa.
Nalaman niyang mayroon pala itong munting tindahan na binabantayan. Kaya naman ang gadget na ibibigay ni Tulfo at P20,000 at dinagdagan pa niya para sa pag-aaral at para na rin sa munting pinagkakakitaan ng bata.
Narito ang kabuuan ng video:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, isang pamilya rin ang napag-ayos ni Tulfo kung saan nagawa pa ng big time na Pinay sa USA na bilhan ng tig-iisang mamahaling motor ang pito niyang mga kapatid na lalaki.
Isa ring mag-asawa na nagsasama pa rin naman sa iisang bubong ang pinagbati na lamang ni Tulfo kaysa umabot pa sa demandahan gayung kaya pa naman pala nilang ayusin ang kanilang relasyon.
Bukod sa pagiging mahusay na broadcaster, kilala rin si Tulfo sa agarang pag-aksyon sa mga taong naagrabyado.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh