Mariano Lingay at Angel, ibinahagi ang kwento ng kanilang pag-iibigan

Mariano Lingay at Angel, ibinahagi ang kwento ng kanilang pag-iibigan

- Ibinahagi ng tambalang MarGel ang kanilang kwento sa online show ni Korina Sanchez na Rated Korina

- Naitanong sa dalawa ang tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon at inamin nilang sila nga ay nagmamahalan

- Kasabay nito ang pagtatapat na hindi sila ligtas sa mapanghusgang mga tao na sinasabihan sila ng masasakit na salita

- Sila Mariano Lingay at Angel ay unti-unting sumisikat sa YouTube dahil sa mahigit isang milyon na sumusubaybay sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng tambalang MarGel ang kanilang kwento sa pamamagitan ng Rated Korina, ang online show ng batikang journalist na si Korina Sanchez.

Si Mariano Lingay ay labing walong taong gulang na Aeta na mula sa Mabalacat, Pampanga. Pangatlo siya sa anim na magkakapatid.

Hilig umano niya ang pagkanta. Kaya naman naglakas loob siyang sumali sa isang Street Karaoke Challenge. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan sa mas marami pang oportunidad.

Nakipag-ugnayan sa kanya ang isang talent agency at inalok siyang maging on-cam star sa vlog. Dito niya nakilala si Angel na mula naman sa Porac Pampanga.

Nagkahiyaan man nang unang pagkikita, nagpursigi si Mariano na ligawan si Angel kahit pa may agam-agam siya dahil sa mga opinyon ng ibang tao.

Mariano Lingay at Angel, ibinahagi ang kwento ng kanilang pag-iibigan

Photo from MarGel Tv/Facebook
Source: Facebook

Naglakas loob itong manligaw sa bahay mismo ng dalaga at dahil sa kanyang pinakitang pagmamalasakit, hindi naging tutol ang pamilya ng dalaga sa kanyang panliligaw.

Inihayag din nilang sila ay isang buwan nang magkarelasyon.

Sa kasikatan at atensiyon na kanilang tinatamo, mayroong mga netizens pa rin na nanghuhusga umano sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May mga nag-uudyok umano kay Mariano na iwan na si Angel dahil ginagamit lang umano siya nito. Mayroon din namimintas sa panlabas na anyo ng binata.

Gayunpaman, pinapanindigan ng dalawa na nagmamahalan sila.

Maging sa ating bansa ay hindi pa rin tuluyang nawawala ang diskriminasyon lalo na sa mga katutubong Aeta. Gayunpaman, ilang beses na ring pinatunayan ng marami sa kanila na kagaya sa karamihan ay may angking galing at talento din sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kagaya na lamang ng isang katutubong nagpamalas ng husay sa pagkanta. Humakot ng milyon-milyong views ang video ng kanyang pag-awit.

Isa ding katutubo mula sa Iloilo ang hinangaan sa pinamalas niyang katapatan matapos niyang ibalik ang ayudang 6,000 dahil nakatanggap na umano siya ng ayuda sa kanyang 4Ps.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel