Raffy Tulfo gets stressed due to woman cheating on her OFW husband

Raffy Tulfo gets stressed due to woman cheating on her OFW husband

- Isang mag-asawa ang nagkaroon ng matinding problema nang dahil sa kanilang mga kapitbahay

- Inireklamo kasi ni Joel Disoacido ang kanyang misis na nangabit sa kanilang dalawang kapitbahay

- Meron pang lumabas na maselang video si misis kasama ang kanyang kabit

- Talagang na-stress si Raffy Tulfo nang marinig ang buong detalye ng kuwento nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang OFW sa Japan na si Joel Disoacido ang dumulog sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" upang ireklamo ang kanyang misis na nasa Pinas na si Charlin Disoacido.

Nalaman ng KAMI na merong tatlong-anyos na anak sina Joel at Charlin.

Ayon kay Joel, natuklasan niya na merong dalawang lalaki na naging kabit si Charlin habang siya ay nagta-trabaho abroad.

Ang masakit pa dito, merong lumabas na maselang video si misis kasama ang isa sa mga kabit niya na kapitbahay nila.

Ang halos hindi kinaya ni Idol Raffy ay nang malaman niyang ang kumukuha ng nasabing video ay yung ex-kabit ni misis.

Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero ayon sa kabit na si Ronald Mayor, kinunan sila ng video ng ex-kabit ni Charlin nang wala nilang pahintulot.

Ginamit pa raw ng dating kabit na panakot kay Charlin ang nasabing video. Napamura talaga si Idol Raffy dahil sa ginawa ni misis.

Kaya naman napatanong siya rito, "Bakit niyo po yun nagawa kay Sir? Nagpaka-hirap sa ibang bansa para lamang makapag-provide sa pamilya ninyo."

Ang sagot naman ni misis, nagawa raw niya ito dahil ayaw nang makipag-chat sa kanya gabi-gabi ni mister, "Nagdalawang isip na ako sa kanya. Tapos bigla nalang sinabi niya na huwag ng bayaran yung internet. Bakit ayaw na niya na gabi-gabi hanggang umaga yung tawag namin."

Ayon kay Idol Raffy, napaka-babaw ng dahilan ni Charlin. Gusto rin ni Joel na maiuwi sa kanyang pamilya sa Mindanao ang kanilang anak.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael Teshiba Tulfo o mas kilala bilang Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist na may radio program sa Radyo5 92.3 News FM na may pamagat na "Wanted sa Radyo".

Sa nakaraang balita, isang OFW na mister ang nabuntis si kabit matapos ipagpalit si misis. Ang masaklap, magulang ni mister pinatira pa sa bahay si kabit.

POPULAR: Read more news about Raffy Tulfo

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel