Anak, inireklamo ang ama na nakikipagrelasyon sa kanyang best friend

Anak, inireklamo ang ama na nakikipagrelasyon sa kanyang best friend

- Gumawa ng ingay sa social media ang post ng anak na ipinakikita ang larawan ng dati niyang best friend na ngayon at karelasyon na ng sarili niyang ama

- Mismong siya pa ang nakahuli sa akto ng ginagawa ng kanyang ama at kanyang best friend na hindi maikakailang may relasyon

- Kasama ang ina, dumulog na ito sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa hindi na magandang nangyayari sa kanilang pamilya

- Napag-alaman pa nilang dalawang buwang buntis pa ang dating best friend at magkakaroon pa siya ng kapatid doon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak, inireklamo ang ama na nakikipagrelasyon sa kanyang best friend

Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo's Instagram)
Source: Instagram

Viral ngayon sa social media ang kwento ng netizen na si KL Nebriaga na sinasabing may relasyon ang kanyang bestfriend at ang kanyang ama.

Nalaman ng KAMI na una nang nai-post ni KL ang kanyang kwento sa kanyang Facebook ngunit sa tindi ng pangyayari, idinulog na rin nila ito ng kanyang ina na si Mary Ann sa programa ni Raffy Tulfo.

Sa salaysay ng dalagita, mismong siya pa ang nakakita sa di magandang ginagawa ng kanyang ama at best friend at lakas loob siyang nagpakita sa dalawa.

Tinakot pa si KL ng ama na huwag sabihin sa kanyang ina ngunit kalaunan ay kinutuban na rin ang misis.

Makikita sa mga larawan ni KL na close na close sila noong ng best friend na si Jeaneth Salis na sinabi niyang 'step mother' na niya ngayon dahil napag-alaman nilang dalawang buwan na itong buntis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang masaklap, inamin ng ina na tiniis pa rin niyang makisama sa mister na si Arlan Lerio ng ilang buwan ngunit palala na ng palala ang kanilang sitwasyon.

Kalmado lang na idinedetalye ng mag-ina ang mga nalalalaman at nasaksihan na nila sa relasyon nina Arlan at Jeaneth at hinanggaan pa sila ni Tulfo dahil dito.

Samantala, hindi pa nagpa-unlak ang ama gayundin ang sinasabing bagong kinakasama nito.

Dahil sa nakakakilabot na pangyayaring ito, apat na kaso ang maaring kaharapin ng kabit habang anim naman ang sa ama ni KL.

Maari pa sanang kasuhan ang mga magulang ni Jeaneth na tila kinukunsinte ang anak ngunit dahil sa nasa wastong gulang na ito, hindi na ito nagawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Kilala si Raffy Tulfo bilang isa sa mga broadcast journalist sa bansa. Ngunit mas lalo siyang napalapit sa puso ng publiko dahil sa agaran niyang pag-aksyon sa mga sumbong ng mamamayang nadedehado.

Ang kagandahan pa sa kanilang tinaguriang "Idol Raffy" wala itong pinipiling lugar o tao na tinutulungan. Mula sa ordinaryong mamamayan hanggang sa sikat na artista o prominenteng tao, basta't nagsumbong sa kanya, agad niya itong inaaksyunan sa maayos na proseso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel