Paulo Avelino, may sagot sa mga haka-haka tungkol kay Kim Chiu

Paulo Avelino, may sagot sa mga haka-haka tungkol kay Kim Chiu

  • Nagbigay ng reaksiyon si Paulo Avelino sa mga kumakalat na haka-haka tungkol kay Kim Chiu, kabilang ang mga espekulasyong nabuo matapos lumabas ang teaser stills para sa kanilang pelikulang “A Perfect Marriage”
  • Ayon kay Paulo, hindi dapat agad ituring na katotohanan ang mga haka-haka at sinabi niyang mas makabubuting hintayin ang kumpirmasyon bago gumawa ng konklusyon tungkol sa mga napapansing detalye
  • Nilinaw din ng aktor na nasa Pilipinas si Kim at abala ito sa pagbubukas ng ilang pop-up stores sa iba’t ibang bahagi ng bansa, bukod sa iba pa nitong personal na inaasikaso
  • Samantala, umaasa sina Paulo at Kim na mapipili ang kanilang pelikula para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon, na ayon sa aktor ay iba sa mga nauna nilang proyekto

Nakatakdang bumiyahe patungong Seoul, South Korea ang sikat na Kapamilya aktor na si Paulo Avelino upang saksihan at dumalo sa taunang Seoul International Drama Awards na magaganap ngayong Huwebes, Oktubre 8. Sina Paulo at Kim Chiu ay matagal nang kilala bilang isa sa mga pinakamatagumpay na on-screen partners ng industriya at may kanya-kanya ring magagandang takbo ng karera.

Read also

Direk Ice Seguerra, nagsalita sa biglang pagkawala ni Bimby sa Eat Bulaga

Paulo Avelino, may sagot sa mga haka-haka tungkol kay Kim Chiu
Paulo Avelino, may sagot sa mga haka-haka tungkol kay Kim Chiu (📷Paulo Avelino)
Source: Instagram

Ang mahusay na aktor ang itinanghal bilang Outstanding Asian Star awardee ng Pilipinas para sa taong ito, kaya naman hindi niya mapigilan ang lubos na kagalakan at pasasalamat.

"Very thankful especially for the people who voted sa voting category, grateful and thankful to represent the Philippines. Two years ago si Kim (Chiu), last year si Daniel (Padilla), this year ako naman!" pahayag ng binata patungkol sa kanyang pagkilala.

Samantala, nang mapag-usapan ang kanyang leading lady na si Kim Chiu, hiningan ng reaksiyon si Paulo tungkol sa kalagayan ng aktres na nahaharap ngayon sa isang legal na laban. Ito ay patungkol sa kaso laban sa kapatid ni Kim na si Lakambini Chiu dahil umano sa mga nawawalang pondo na nagmula sa kanilang bag business.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"It’s really sad to see the medyo, mahirap naman talaga siyang ma-picture on an outside perspective so you also have to understand people’s sentiments but it’s really different 'pag first hand nanggagaling 'yung observation," pag-amin ni Paulo Avelino.

Read also

Dennis Trillo, nagsalita tungkol sa posibilidad ng pag-uusap nila ni Patrick Garcia

"I think for anyone going through this situation, it’s really hard but at the same time, she’s opening several pop-ups all over the Philippines, ang dami niyang ginagawa," dagdag pa ng aktor, na nagpapatunay na patuloy sa pagtatrabaho ang aktres.

Ayon pa kay Paulo, inaasahang magiging mas abala pa sila sa mga susunod na araw sakaling mapiling pumasok sa opisyal na listahan ng Metro Manila Film Festival ngayong taon ang bago nilang pelikulang pinamagatang "A Perfect Marriage".

"We’re hoping our film ‘A Perfect Marriage’ will be included," aniya. "Regalo rin namin ito sa lahat ng mga sumuporta sa amin, it’s so different ikakagulat nila kung gaano kakaiba itong pelikulang ito."

Dahil sa mga naglabasang teaser at larawan mula sa pelikula kung saan makikitang buntis ang karakter ni Kim, marami ang gumawa ng mga teorya. Umani ito ng matinding usap-usapan mula sa mga fans na nag-iisip kung totoong nagdadalang-tao ba ang aktres. Nang tanungin si Paulo tungkol sa isyung ito, kalmado siyang sumagot.

"Speculations are speculations until proven so tignan na lang natin," tugon ng aktor.

Bilang paglilinaw sa kinaroroonan ng kanyang leading lady, ibinahagi ni Paulo na nasa bansa lamang si Kim at hindi umalis patungong abroad. "She’s here. Like I said, she’s very busy opening several pop-ups ang dami niyang inaasikaso na I’m not allowed to divulge, mga personal," pagtatapos ng aktor.

Read also

Mga magulang ni Rene Baterbonia, nagbigay ng jersey sa Pinoy Pawnstars Museum

Bago pa man ang mga rebelasyong ito, ilan pang maiinit na balita tungkol sa Kapamilya aktor na si Paulo Avelino ang naging usap-usapan.

Kamakailan lamang ay naglabas si Paulo Avelino ng isang matapang na panawagan hinggil sa posibleng pag-ban ng platform na Discord sa Pilipinas. Nagpahayag ng pagkadismaya ang aktor sa hakbang na ito dahil sa malaking epekto nito sa gaming community na umaasa sa application.

Samantala, umani rin ng reaksiyon ang naging post ni Paulo tungkol sa halaga ng nawawalang pera at epekto nito sa pagtitiwala. Marami ang nakapag-ugnay sa makahulugang mensahe lalo na't sumasalamin ito sa pamilyar na problemang pinansiyal sa negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate