Yari ka! Misis na buntis, huli si mister sa ilalim ng kama ni kabit

Yari ka! Misis na buntis, huli si mister sa ilalim ng kama ni kabit

- Huli sa akto ang isang mister habang nakatago sa ilalim ng kama ng kanyang kabit

- Sa video na ibinahagi ni misis sa programa ni Raffy Tulfo, mapapanood ang mainit na eksena ng mga ito

- Pero depensa ni mister, maging si misis din daw ay may ginawang "milagro" noon

- Habang si legit naman ay desididong kasuhan si mister at ang kabit nito na kasamahan pa man din daw niya sa trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Huli sa akto ang isang mister habang nagtatago sa ilalim ng kama ng kabit nito nang sugurin ni misis ang mga ito!

Sa isang video na ibinahagi ni misis na si Josnel Cordova sa programa ni Raffy Tulfo, mapapanood pa ang mainit na eksena.

Yari ka! Misis na buntis, huli si mister sa ilalim ng kama ni kabit

Screen grab from Idol in Action
Source: Facebook

Noong una ay sinubukan pang itago ni kabit na si Danica Casilag si mister na si Generson Cordova mula kay legit.

Ngunit dahil sigurado si misis na naroon ang asawa ay naghanap ito sa loob ng boarding house ni Danica at natagpuan nga si mister sa ilalim ng kama.

Isang malakas na sampal ang ibinigay ni misis sa mister na hindi na rin naitanggi pa ang pakikiapid.

Ayon kay misis, bago nangyari ito ay nagkaroon na sila ng pag-uusap sa barangay at nangako ang dalawa na tatapusin na ang lahat sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero depensa ni Generson, maging si misis daw ay may ginawang milagro noon na mariin namang itinanggi ng una.

Inakusahan pa ng lalaki na posibleng hindi niya anak ang dinadala ni Josnel na pitong buwan nang buntis.

Dahil dito, hinikayat ni Tulfo ang dalawa na ipa-DNA test ang bata upang matapos na ang akusasyon ni mister.

Samantala, hindi na rin itinanggi pa ni Danica ang relasyon nito kay Generson na nakapalagayan daw niya ng loob sa chat.

Desidido naman si Josnel na sampahan ng kaso ang mister at ang kabit nito na kasamahan pa pala nito sa trabaho.

Ang mga netizens naman, hindi naiwasang manggigil sa dalawa!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isa namang misis ang nag-adjust sa kabit ni mister ang lumapit din kay Raffy Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel