Sarah Balabagan, hinangaan ang misis ni Arnold Clavio na nagawa umano silang patawarin

Sarah Balabagan, hinangaan ang misis ni Arnold Clavio na nagawa umano silang patawarin

- Matapos ang 22 taon na pananahimik, inamin ni Sarah Balabagan na si Arnold Clavio ang ama ng kanyang panganay na anak

- Ito ay dahil sa muling nag-viral ang isang post na patungkol sa kanyang buhay

- Kasama na rito ang iba't ibang haka-haka at akusasyon kung sino nga ba ang ama ng kanyang panganay na anak

- Ngunit isa rin sa naibahagi ni Sarah na maging ang misis ni Arnold Clavio ay nagawa silang patawarin sa kanilang lihim na nakaraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sarah Balabagan, hinangaan ang misis ni Arnold Clavio na nagawa silang patawarin

Arnold Clavio (Photo from Arnold Clavio's Facebook)
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang naging rebelasyon ng kontrobersyal na dating overseas Filipino Worker na si Sarah Balabagan.

Nalaman ng KAMI na sa kanyang Facebook live noong Agosto 23, hayagan nitong sinabi na ang ama ng kanyang panganay na anak ay ang batikang news anchor ng GMA na si Arnold Clavio.

Nagawang umamin ni Sarah matapos na mag-viral ang isang post patungkol sa kanyang buhay kung saan naglabasan na naman umano ang mga haka-haka at akusasyon kung sino nga ba ang ama ng unang anak nito.

Kwento ni Sarah, itinago niya ang katotohanan sa loob ng 22 na taon bago niya pinaghandaang aminin ito.

Ayon sa ulat ng Philippine Star, ito rin umano kasi ang napag-usapan nila noon ng nakarelasyong Kapuso journalist kaya naman hindi niya ito basta ibinunyag.

Ngunit dahil daw umano sa viral post, nagsilbing hudyat ito upang isiwalat ang katotohanan at para na rin tuldukan ang naging mga haka-haka tungkol sa pagkatao ng ama ng kanyang unang anak ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

Bukod sa nakakagulat na rebelasyon, nilinaw din ni Sarah na humingi siya ng permiso sa kanyang mister na si Jun Sereno na nirerespeto ang kanyang desisyon.

Humingi rin siya ng permiso sa kanyang ina na nasa Mindanao nang sa gayon ay handa na rin ang mga ito sa kanyang pagbubunyag sa publiko.

Ayon pa sa Bandera Inquirer, nabanggit din ni Sarah na maging ang misis ni Clavio ay nagawa na rin silang patawarin sa kanilang maging nakaraan.

Humanga pa umano si Sarah sa pagpapatawad na ginawa sa kanila ng misis ni "Igan."

"Saludo ako sa maybahay ni Arnold dahil pinatawad niya ang kanyang mister at ang asawa rin niya ang nag-reach out sa akin at sinabi niya, nag-message siya sa akin ng, ‘Sarah, I forgive you!”

Narito ang kabuuan ng video ng rebelasyon ni Sarah Balabagan:

Naging kontrobersyal ang buhay ni Sarah Balabagan noong dekada '90 di umano'y pagpaslang sa kanyang amo na tinangka siyang gahasain.

Nakabalik siya ng bansa noong 1997 kung saan naitampok ang kanyang talambuhay sa isang pelikula.

Masaya na siyang namumuhay kasama ang kanyang mister at mga anak sa Las Vegas at isa na rin siyang host ng programang Sari-Sarah ng PHLV radio.

Masasabing deserve ni Sarah ang tinatamasang kaginhawahan ngayon sa buhay.

Tulad ng iba nating mga OFW, marami rin siyang pinagdaanang hirap at sakripisyo at nagbubunga naman ito ng kabutihan ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel