BB Gandanghari, ibinahagi ang ilang detalye tungkol sa relasyon nila ni Carmina Villaroel

BB Gandanghari, ibinahagi ang ilang detalye tungkol sa relasyon nila ni Carmina Villaroel

- Sa kanyang YouTube live video, ibinahagi ni BB Gandanghari ang kanyang pinagdaanan bago niya nakilala ang kanyang tunay na pagkatao

- Ibinahagi niya ang tungkol sa naging relasyon nila ng dating asawang si Carmina Villaroel

- Inamin niyang sobra niyang minahal si Carmina at ibinahagi niya rin ang tungkol sa kanilang paghihiwalay

- Si BB Gandanghari ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang si Rustom Padilla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang YouTube live video, ibinahagi ni BB Gandanghari kung paano niya nakilala si Carmina Villaroel at kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Ayon sa kanya, nakilala niya si Carmina nang maimbitahan siya sa 18th birthday noon ni Ruffa Gutierrez.

Aniya, sa unang pagkakataon na nakita niya si Carmina, siya umano ang gusto niya maging asawa.

Taong 1992 umano nang maging sila ni Carmina ngunit hindi pa alam ng publiko ang tungkol sa kanilang relasyon.

Nabuking lamang ang kanilang relasyon nang minsan ay magpang-abot si Rustom at ang isang showbiz reporter na nagtanong sa kanya kung bakla ba siya sa isang presscon.

Hinamon niya umano ng suntukan ang nasabing reporter pero umaawat si Carmina at natawag siyang "Honey" dahil sa pagkakataranta.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

5 taon umano silang masayang naging magkarelasyon hanggang sa nauwi sa sekretong pagpapakasal ang kanilang pagsasama.

Ibinahagi niya ring tinuturing niyang blessing ang pagdating ni Carmina sa buhay niya kaya naging sobrang masakit sa kanya nang maghiwalay sila.

Gayunpaman aniya kung siya ay magiging lalaki uli, si Carmina parin ang pipiliin niyang ligawan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Binibini Gandanghari ay isang Filipino transgender actress, model, entertainer, comedian, at director. Siya ang nakakatandang kapatid ng aktor na si Robina Padilla.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel