Timing lang talaga! Bagong lawyer na bagsak sa Bar Exams noon, Top 4 na ngayon
- Ikinuwento ng isang Bar topnotcher ang kanyang pinagdaanan bago siya naging Top 4 sa 2019 Bar Examination
- Sabi niya, noong unang beses niya kumuha ng Bar Exam ay hindi siya pumasa
- Kaya naman, laking gulat niya ngayon dahil bukod sa pumasa siya ay mataas din ang nakuha niyang score
- Naniniwala si Dawna Fya Bandiola na lahat ay may tamang timing at ibibigay lang ito kapag nakalaan para sa tao talaga
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ibinahagi ng isang Bar topnotcher ang kanyang naging karanasan bilang isang aspiring lawyer.
Nalaman ng KAMI na noong unang beses kumuha ng Bar examinations ni Dawna Fya Bandiola ng San Beda College-Alabang, bumagsak siya.
Ngunit ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News, nitong 2019 Bar Examination ay naging Top 4 si Dawna. Aniya, hindi siya makapaniwala sa mga nangyari.
“Hindi ko po alam na ganito ‘yung mangyayari since last year kasi, hindi po ako nakapasa sa first take ko,” kwento ni Dawna.
Giit niya, nasa tamang timing lang daw talaga lahat. Ginawa niyang motivation ang pinagdaanan niya upang mas magsipag pa sa pag-aaral at pinagdasal niya rin ito.
"Baka hindi ko pa po time, hindi pa po will ni Lord na ibigay sa akin iyong pinagpi-pray ko,” aniya.
"Hindi naman pala lahat talaga ibibigay sa 'yo kung kailan mo gusto. Mayroong times na kailangan maka-experience ka ng rejection para mas mabigyan mo ng importansya iyong mga bagay na hindi mo binibigyan ng pansin,” dagdag niya pa.
Sabi pa ni Dawna, malayo ang ipinagkaiba ng 2018 Bar Exam sa 2019 Bar Exam kaya hindi niya rin talaga alam ang aasahan niya. Subalit, ginawa niya ang lahat sa makakaya niya at ipinagpa sa Diyos na lang niya ito.
"Inisip ko na lang po that it's about timing. Inano ko na lang po lahat kay Lord, siya na lang po ang bahala sa 'kin. I will do my best, I will do my part and then He will do the rest,” sabi ni Dawna.
"Tanggapin mo lang kung ano iyong ibibigay sa 'yo. Gawin mo iyong part mo. Magsipag ka, magdasal ka nang maigi. Ibibigay sa 'yo kung talagang para sa'yo iyon," dagdag niya pa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ngayong ikalawang beses niya kumuha ng Bar Exams, nagkaroon siya ng 88.336% score. Kaya naman ngayon ay naging Top 4 na siya sa Bar Exam.
Samantala, nauna namang naibalita ng KAMI ang kwento ng Top 1 sa Bar Exams na si Mae Diane Azores.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Our host Paula Coling suggested different movies and series that you should watch while stuck at home due to the lockdown. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh