Bilko Argana na nasangkot sa pangloloko sa mga transwomen, lumantad na

Bilko Argana na nasangkot sa pangloloko sa mga transwomen, lumantad na

- Sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo, naglabas na ng pahayag si Bilko Argana, ang binatang sangkot sa pangloloko ng mga transwomen

- Ayon sa pahayag ng binata, biktima lamang umano siya ni Sam Morales

- Iginiit din ni Argana na wala siyang kinalaman sa pangloloko ni Morales sa mga transwomen at sinabing nadala lamang siya ng sitwasyon

- Handa rin daw ito na tumayong saksi laban kay Morales kung sakaling sampahan ito ng kaso ng mga naloko nitong mga miyembro ng LGBTQ

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumantad na ang lalaking nasangkot sa diumano'y pangloloko sa ilang miyembro ng LGBT Community na si Bilko Argana.

Sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo, nagkaroon ng pagkakataon ang binata na maglabas ng kanyang pahayag sa isang online interview.

Una na nitong itinanggi na kasabwat siya ng babaeng si Sam Morales na siyang pangunahing inirereklamo.

Una nang naibalita ng KAMI nang mag-viral ang ilang tweet tungkol sa "catfishing stories" na nambiktima ng transwoman na si Jzan Vern Tero.

Dito, ibinunyag ni Tero ang pagsasabwatan umano ni Morales at ni Argana na unang nagpakilala bilang Bill Iver Reyes.

Pero giit ni Argana, ang lahat ng ito ay gawa-gawa at ideya lamang ni Morales na diumano'y mayroong sakit sa pag-iisip.

Mayroon din umanong kasabwat si Morales, ang kababata nitong pinangalanang Ariel, na siya umanong nakikipag-usap sa mga biktima sa telepono.

Dagdag pa ng binata, nadala lamang siya ng kanyang sitwasyon dahil assistant siya ni Morales at inabuso umano nito ang kanyang kabaitan.

Bagamat inamin nito na nakipagkita nga siya kay Tero ng dalawang beses, mariin nitong itinanggi na nagkaroon sila ng "intimate relationship".

Handa rin daw ito na tumayong saksi laban kay Morales kung sakaling sampahan ito ng kaso ng mga naloko nitong mga miyembro ng LGBTQ.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel