Komento ng isang netizen tungkol sa maling 'grammar' ng sikat na pahayagan, viral
- Nag-viral ang komento ng isang netizen sa di umano'y post ng kilalang pahayagan ng bansa
- Ayon sa netizen, mali ang grammar ng naturang pahayagan kaya itinama ito ng netizen
- Ngunit imbis na hangaan, tila di nagustuhan ng iba ang "pagtatama" ng netizen na ito sa pahayagan
- Sana raw ay nagpadala na lamang ito ng 'private message sa naturang pahayagan at hindi sa comment section kung parang pagmamayabang na raw ang dating ayon sa ibang nagkomento
- Ang iba, tila natuwa na lamang na makibasa sa mga batuhan ng komento sa naturang post
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naging usap-usapan online ang komento ng netizen na nagngangalang Mich Laureta dahil sa "pagtatama" umano nito ng maling post ng Philippine Star.
Ang post ay patungkol sa isang advertisement ng donut kung saan ang dalawang dosena ay mabibili lamang sa halagang ₱500.
Nalaman ng KAMI na ang nakasulat sa post ng Philippine Star ay "J.Co offers two dozens of donuts for P500"
Lakas loob na nagkomento si Laurete at sinabing 'mali' ang balarila o grammar nito.
"The grammar is atrocious, J co offers two dozen donuts for P500. There, fixed it," komento ni Laureta.
Mabilis na nagbigay ng reaksyon ang ilang netizens at ang karamihan ay di nagustuhan ang di umano'y pagtatama na ito ni Laurete sa public post.
Mas mainam daw na nagpadala na lamang ng pribadong mensahe si Laureta sa Philippine Star kung nais talaga nitong itama ang naturang post.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang ilan, dinaan sa biro ang 'pagtatamang' ginawa ng netizen habang ang iba naman ay diretsahang sinabi na tila pagyayabang lamang umano ang ginawa ni Laureta.
Samantala, isang netizen na may Facebook name na Milca Srz ang tila natuwa na lamang sa pagbabasa ng mga komento na ang ilan nagawa pang sagutin ni Laureta.
Narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng publiko.
Samantala, wala namang nilabas pa na pahayag ang Philippine Star kaugnay sa ingay na ginawa ng donut ad na ito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!
TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh