DJ Chacha, matagumpay na isinilang ang kanyang pangalawang anak

DJ Chacha, matagumpay na isinilang ang kanyang pangalawang anak

- Ipinost ni DJ Chacha ang larawan niya sa Instagram at proud na kahit wala siyang make-up ay masaya ito at healthy ang pangalawang anak

- Pinangalanan niya ang kanyang newborn na Savannah Alejandra at kahit pagod ay worth it umano ito

- Nagpasalamat si DJ Chacha sa Panginoon at sa lahat ng nagdasal para sa kaligtasan nilang mag-ina

- Nagbigay-pugay ito sa mga kapwa babaeng bagong panganak dahil para raw silang sinalang sa giyera na pagod na pagod at nakaraos din

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nanganak na ang sikat na MOR 101.9 deejay ng ABS-CBN na si DJ Chacha sa pangalawa nitong anak. Pinangalanan niya itong Savannah Alejandra.

Masayang ibinalita ni DJ Chacha ang kanyang panganganak sa post sa Instagram noong Miyerkules at ipinakita ang totoong itsura umano ng babaeng kapapanganak lang.

“Thank you Lord for your guidance and protection. Salamat rin sa lahat ng taong nagdasal for me and Savannah Alejandra,” sabi nito sa Instagram post.

Ipinagmalaki din nito ang itsura niya na walang make-up at sinabing: “Here’s my after delivery look. No filter. No make-up. No suklay. No ligo. No toothbrush. Just me and namamagang fez.”

Dagdag pa nito, deadma siya kahit hindi raw maganda ang kuha dahil “super worth it” naman daw kasi healthy ang kanyang baby.

“Ito ang tunay na eksena naming mga nanay after manganak. Pagod na pagod at hinang-hina parang galing gyera,” kwento ni DJ Chacha.

Nagbigay-pugay naman siya sa mga bagong nanganganak, “Hats off to us! Ang hirap pero kinaya natin ng bongga!”, ayon kay Dj Chacha.

Ipinaalam din niya sa kanyang mga followers na abangan ang kanyang panganganak sa kanyang YouTube vlog.

Naiulat naman ng KAMI ang kasalan nina DJ Chacha at non-showbiz boyfriend na si Michael Gueverra na ginanap sa Fernwood Gardens, Tagaytay noong May 30, 2019.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si DJ Chacha ay may anak na bago ikinasal sa businessman na si Michael. Si Sabb ang kanyang unang anak na babae at ang bata ay kasa-kasama ni DJ Chacha sa mga vlogs nito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

What's new with Maricar Reyes aside from her vlog? Check out her newest Choco-yummy business on our YouTube channel — HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel