Level-up na tsismosa, nag-FB live sa pagkakalat ng di umano'y tsismis tungkol sa kapitbahay

Level-up na tsismosa, nag-FB live sa pagkakalat ng di umano'y tsismis tungkol sa kapitbahay

- Inireklamo ang isang 'techie' na chismosa na nag-Facebook live pa sa paninira sa kanyang kapitbahay

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang biktima na sinamahan ng kanyang anak

- Kwento ng anak, sinisiraan daw ng manggagamot ang kanyang ina at pinalalabas na ito ang ay isang mangkukulam

- Hindi pumayag ang biktima na mag-public apology lang ang manggagamot dahil paulit-ulit pa rin daw nitong gagawin ang paninira sa kanya

- Nangako naman si Tulfo na tutulungan nila ang biktima upang matuldukan na rin ang paninira sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo si Evelyn Gamboa, anak ng sinasabing mangkukulam na si Cita dahil sa paninira raw ng sinasabing high-tech na tsismosang manggagamot sa kanilang lugar.

Nalaman ng KAMI na ang inirereklamong manggagamot ay si Elsa Estavillo at nagawa pa raw nitong mag-Facebook live habang nagpapakalat di umano ng chisimis patungkol sa ina ni Evelyn.

Mabibigat ang akusasyon ng manggagagamot kay Cita at isa na rito ay ang pahayag na marami na raw itong nasaktan at napatay dahil lamang sa kulam.

Hindi naman naniniwala sa kulam si Tulfo kaya ang suhestyon nito ay sampahan na ng cyber-libel at paninirang puri si Elsa.

Nang makausap naman si Elsa, mariing itinatanggi nito na si Cita nga ang tinutukoy niya sa kanyang panggamot.

Aniya, kapangalan lamang ito dahil marami namang mayroong pangalan na Cita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit ang masaklap, karamihan sa kanilang kapitbahay ay iisang Cita lamang ang nasa isip at ito ay ang nanay ni Evelyn.

Sadyang di masikmura ng mag-ina ang akusasyon kaya naman hindi pumayag ang mga ito na basta na lamang mag-public apology si Elsa.

Alam daw kasi nilang uulit at uulit pa rin si Elsa tulad na lamang ng kanya lamang ginawa.

Nakapagharap ang magkabilang kampo sa barangay ngunit walang nangyari. Kaya naman idinulog na nila ito kay Tulfo upang mabigyan ng aksyon.

Nangako naman ang programa na mabibigyan ng hustisya ang paninirang ito sa matanda.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel