Larawan ng aspin na may "attitude", kinagiliwan online

Larawan ng aspin na may "attitude", kinagiliwan online

- Viral ang larawan ng asong si "GD boy" dahil sa kakaibang pose nito sa mga pictorials nya

- Isang 'aspin' si GD at napulot lamang siya noon ng kanyang amo sa gilid ng kalsada

- Di raw nito akalain na magiging viral ang larawan ng kanyang alaga na naging instant internet meme na rin

- Natutuwa rin sila na nakapagpasaya sila ng mga netizens dahil sa kanilang alaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ang nakakaaliw na larawan ng asong si GD boy na animo'y uma-awra sa kanyang posing.

Orihinal na binahagi ito ng kanyang among si Alaniz Litao na tubong Bulakan, Bulacan.

Nalaman ng KAMI na taong 2018 nang masagip ni Alaniz si GD boy. Hinang-hina raw ito nang kanilang napulot sa gilid ng kalsada.

Dahil sa napamahal na sa kanila si GD boy, unti-unti na itong sumigla at naging malusog.

Kwento pa ng amo, may pagkapilyo ang aso ngunit malambing at mabait naman daw ito.

Ayon naman sa ulat ng Aksyon Radyo Iloilo, tila ba'y pusong babae si GD boy dahil sa posing nito na may "attitude". Nakunan pa nga raw itong may hawak na stuffed toy ngunit naka-project.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panayam naman ng GMA News sa amo ni GD boy, di raw nito akalaing gagawa ng ingay online ang mga larawan ng kanyang alaga.

Natutuwa rin siya at marami silang napasayang netizens dahil kay GD boy.

Katunayan, nagkalat na rin ang mga internet memes na gamit ang larawan na ito ng aso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel