Ivana Alawi, lalong yumaman nang manahin ang ari-arian ng foreigner na ama

Ivana Alawi, lalong yumaman nang manahin ang ari-arian ng foreigner na ama

- Humble pa rin ang sikat na vlogger na si Ivana Alawi kahit sa kanya ipinamana lahat ng ari-arian ng amang Moroccan

- Game na game si Ivana na nakipaglaro at nakipagkwentuhan sa kay Vice Ganda

- Mahilig siyang kumain ng “bulalo” at “kare-kare” kaya nakahiligan din niyang magluto

- Kumuha ng culinary course si Ivana para matutong magluto dahil mahilig siyang kumain at para na rin daw sa kanyang mapapangasawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagtapat si Ivana Alawi kay Vice Ganda sa show nitong GGV noong linggo na sa kanya ipinamana ng amang Moroccan ang lahat ng ari-arian nito.

"Balita ko heiress ka raw?", tanong ni Vice.

"Sa akin pinamana lahat, pero di naman akin yun. Sa family yun."

Sinabi rin ni Ivana na graduate siya ng culinary: "Bakit culinary?", tanong ulit ni Vice.

"Para sa asawa ko. Di ba nga, 'The way to a man's heart is through his stomach'."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mahilig rin daw siyang kumain kaya siya kumuha ng kursong culinary.

Game na game naman niyang ginawa ang mga challenges ni Vice. Sabi pa nito paborito niya ang "bulalo at kare-kare".

Kaya naman tinanong siya ni Vice, "Paano ba kumain si Ivana ng bulalo?"

Mapaglaro namang ipinakita ni Ivana ang itsura kung pano siya kumain ng masarap na bulalo.

Kinagiliwan naman ng audience ang nakakahumaling na itsura ni Ivana sa pagkain ng bulalo. Pinagpiyestahan na din sa social media ang clip ng GGV guesting ni Ivana. Lalong-lalo na ang kunwaring pagkain nito ng bulalo.

Sa huling ulat ng KAMI, sa parehong guesting ni Ivana, pinagpawisan at nangatog naman ang isang lucky fan ni Ivana nung nilambing at hinawakan ni Ivana ang dibdib nito.

Si Ivana Alawi ay isang 23-year-old half-Filipina, half-Moroccan. Nahiligan niya ang gumawa ng vlogs. Sa mga nakakaaliw na videos nya sa YouTube siya sumikat at ngayon ay talent na ng ABS-CBN.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Carla Abellana felt the pressure sinking in as she stars in a new Kapuso teleserye. Let us watch how she portrays her role in the newest must-watch series. Check out all our videos on our YouTube channel.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel